Matagumpay na naisagawa ng Provincial Government ng Palawan sa pangunguna ng Provincial Tourism Promotions and Development Office (PTPDO), kasama ang LGU Quezon ang Filipino Brand of Service Excellence Seminar- Workshop ngayong araw ng Martes, Pebrero 28.
Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng 41 partisipante na tourism frontliners, may-ari o tauhan ng local accommodations at establisyemento.
Layunin ng workshop na mag tuloy-tuloy ang magandang relasyon sa pagitan ng mga may-ari at ng kanilang mga customers.
Ang pagtuturo ay isinakatuparan nina Annah Thess Graciano at Arianne Trasporto na na-assign bilang administering seminar-workshop, habang sa DOT-accredited naman ay si Bryan Dizon na nagsilbe bilang trainer/resource speaker.
Discussion about this post