Agad na pinakawalan sa karagatan ng Serenity Beach, bayan ng El Nido, ang 42 na maliliit na mga pawikan o sea turtles matapos ma-trap sa baybayin ng Barangay Buena Suerte ng nasabing bayan.
Nagtulongan ang Coast Guard Station Northern Palawan at Department of Environment and Natural Resources (DENR) El Nido upang mailigtas ang mga maliliit na pawikan.
Ang ginawang pagsagip sa mga pawikan ay alinsunod sa batas ng Republic Act 9147 or the “Wildlife Conservation and Protection Act of 2001,” na naglalayong maprotektahan at mapangalagaan ang anomang uri ng hayop maging ang kanilang mga natural na tirnahan.
Discussion about this post