Maliban sa mga regular na insentibong ipinagkakaloob sa mga senior citizens sa probinsiya, kamakailan ay nagbigay din ng regalo ang lokal na pamahalaan ng Palawan sa limang centenarian sa Bayan ng Narra.
Sa post ng Tanggapan ng Impormasyon ng Lalawigan ng Palawan noong Agosto 10, nakasaad na personal na ibinigay ni Provincial Social Welfare & Development Officer Abigail D. Ablaña ang handog na regalo ng Pamahalaang Panlalawigan para sa limang mga centenarian ng nasabing munisipyo kamakailan.
Isa sa mga benepisyaryo ang nakatanggap ng P10,000 makaraang tumuntong siya sa edad na 100 taong gulang noong buwan ng Pebrero habang ang apat sa kaanila ay pinagkalooban naman ng tig-P2,000 bilang regalo sa kanilang kaarawan.
Samantala, ang halagang kanilang natanggap ay maliban pa sa benepisyong ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) para sa mga centenarian sa buong bansa na tig-P100,000.
Discussion about this post