Dalawang linggo na lamang bago ang halalan, nagbigay ng abiso ang Commission on Election (COMELEC) sa mga botante na kaagad alamin ng mga ito kung saan presinto umano ito boboto upang maiwasan ang aberya sa araw ng halalan.
Ayon kay Election Officer Shiela Sison, mayroon ng listahan silang ibinigay sa kada barangay at inabisuhan ang lahat na hanggat maaga ay agad alamin ang presintong pagbobotohan.
“Yung atin pong posted computerized voters list po kasi ipapaskil po yan ng ating mga electoral boards on the day of the election. Pero po nag provide na po niyan kami sa bawat barangay ng list of voters so that yung ating mga botante mac-check na po nila yung kanilang mga pangalan kung sila po ba ay rehistrado o hindi so kung deactivated sila o sa ano mang kadahilanan na nawala sila sa listahan.”
“Actually pinapanawagan po namin yan na ngayon palang i-check na nila yung kanilang pangalan kasi usually nangyayari ngayon on the day of the election bago palang sila naghahanap.
Dagdag pa ni Sison, kung sakaling hindi makita ang pangalan sa listahan ay kaagad tumungo sa kanilang tanggapan.
“If ever po na nasa list of voters na ipinadala namin sa bawat barangay at hindi nila nakita yung kanilang pangalan bumisita po sila kaagad sa kanilang opisina para malaman namin kung ano yung dahilan kung bakit sila natanggal sa listahan.”
Wala ng ibang paraan umano ayon sa COMELEC kung sakaling mawala ang pangalan sa listahan.
“Actually wala na po talaga, close na yung ating registration ang mangyayari po niyan pag nag-open na yung registration natin siguro mga after election mga July or August po ay bago palang po sila makakapag reactivate ng kanilang mga records.”
Samantala, ipinaliwanag naman ni Sison ang mga kadahilanan kung sakaling mawala ang pangalan sa listahan kahit ang isang indibidwal ay nagparehistro.
“Una sa mga kadahilanan failure to vote twice, hindi sila nakaboto ng dalawang magkasunod na eleksyon. Meron po kasi tayong 2018 na barangay election tiyaka 2019 na national election. Another reason ay mayroon po tayong tinatawag na Automated Fingerprint Identification System double registration po sila may record po sila sa ibang lugar, may record din po sila sa amin at tinatanggal po namin iyon kasi supposedly dapat yung ina-applyan nila is yung sa amin ay yung transfer po. Siyempre yung iba nagpa-transfer na sa ibang munisipyo.”
Discussion about this post