Isang animal welfare group ang tutulong sa pagsampa ng kaso laban sa mga kalalakihang nanggahasa ng aso na nangyari umano sa Barangay San Pedro, lungsod ng Puerto Princesa kamakailan lamang.
Ayon sa kay Sherrie Hinojales, founder ng Strategic Power for Animal Respondents (SPAR) – Philippines na nakabase sa Bacolod City, tutulong sila sa pagsampa ng kaso dahil ito ay ang paglabag sa Animal Welfare Act.
“We are very concerned about this. The nature of it. The perversion. It’s way too much. We are looking at assisting in the filing a case [against the perpetrators],” dagdag ni Hinojales.
Nag-viral ang isang post ng SPAR na may screenshots ng mga pinag-uusapan ng mga kalalakihan at pag iimbita ng isa sa kanila para makipagtalik sa kaniyang alagang aso.
“We are getting a lot of messages every day from concerned citizens regarding abandoned and abused animals, but the message that we received regarding this act is very disturbing. The act may cause security issue in the community,” dagdag ni Hinojales.
Maari din umanong hindi lamang isang pampalipas oras ang naganap na panghahalay sa aso. Possible rin itong ginagamit sa mga online na palabas para panghanap buhay.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring witness sa panggagahasa sa nasabing aso at dahil dito hindi maaring makapag sampa ng kaso ang SPAR.
“We cannot file directly. Wala pa tayong batas na magsampa on behalf [of the witness]. Once may witness, we can assist in filing the case together with Palawan Animal Welfare at mga animal rights advocates na sina Christian Jay Cojamco at Norman Marquez,” saad ni Hinojales.
Samantala, nilinaw naman ng lalaking nagamit ang kaniyang larawan sa nasabing viral post at mariin nitong pinabulaanan ang nasabing pakikipagtalik sa aso.
Aniya ginamit lamang ang kaniyang larawan sa nasabing screenshot para sa pakikipagtalik sa aso.
“Inosente po ako wala po akong alam tungkol sa pino post nila gamit ang picture ko,” saad ni Ralph Deo Invento Estropia.
Ayon naman kay Christian Jay Cojamco, isang animal rights advocate, hinikiyat nito ang lahat na tumugon sa pagtulong para protektahan ang mga hayop laban sa pang aabuso.
“We are appealing to everyone to help us promote our cause. Help us save and protect innocent animals from all kinds of abuse. Samahan nila kaming maging boses ng mga hayop na inaabuso at sinasaktan.”
Ayon kay Hinojales, ang SPAR ay isang organisasyong naitayo dahil sa kanilang adbokasiya sa pagsusulong na maprotekhan ang mga hayop sa Pilipinas at maging isang elemento para magkaroon ng karagdagang kaalaman ang taumbayan para panggalagaan ang mga ito na naayon sa batas.
Base sa isang eksperto sa psychology na si Professor Sangeeta Singg ng Angelo State University sa Estados Unidos, ang pakikipagtalik sa hayop na tinatawag na bestiality ay maaring makadulot ng mga sakit katulad ng leptospirosis, echinococcosis, rabies at iba pa.
Ang Republic Act 8485 as amended Republic Act 10631 ay kilala bilang Animal Welfare Act para maprotekhan ang mga hayop. Nakasaad sa batas na ito na ang pagmamalupit at pag torture sa mga hayop ay may kaukulang parusa na maaring makulong ng isang taon at anim na buwan at isang araw hanggang dalawang taon at o pagmumulta ng isang daang libong piso kapag ang hayop ay labis na minaltrato at namatay. Dagdag sa batas ang kaukulang halagang parusa depende sa klase ng magiging kahinatnan ng biktimang asong.
Samantala, kapag ang nakasala ay isang sindikato, o panghanap buhay ang pagmamalupit sa mga hayop, empleyado o opisyales ng gobyerno, at hindi bababa sa tatlong hayop, maaring makulong sa dalawang taon at isang araw hanggang tatlong taon na maaring may kasamang multa na 250,000 pesos.
Discussion about this post