Ibinahagi ni Dr. Faye Erika Labrador, Provincial Health Officer, ang ‘micro vaccination plan’ na isinumite ng Provincial Health Office [PHO] sa Department of Health [DOH] pati na rin ang vaccination primer na ginawa din noong nakaraang linggo at ibinahagi naman ito ni Palawan Governor Jose Chaves Alvarez kay Sec. Carlito Galvez Jr., Deputy Chief Implementer of the Philippines’ Declared National Policy Against COVID-19, nakaraang araw lamang.
“We have been instructed already by the governor kung ano po yung mga data to be gathered and kung ano o yung mga needs para dito sa ating micro planning. And we have this micro planning submitted to the DOH on time po yan and then na-cascade na po yung ating trainings and yung atin pa pong ibang included sa ating plano.”
“Last week po meron pong binigay sa aming deadline yung governor regarding sa paggaawa po ng ating vaccination primer at prinesent po ni Governor kay Sec. Galvez ngayong week na ito. Doon po sa ating vaccination primer ipinakita po natin yung mga sites po ng vaccination included po doon yung ating 13 na provincial government hospitals including yung hospital facility yung cold chain availability at included din dito ang PHO [Provincial Health Office].”
Dagdag pa niya, kasama rin dito ang iba pang mga konsiderasyon sa malaking bahagi ng pagsasagawa sa COVID-19 vaccination tulad ng bilang ng mga magbabakuna at transportasyon ng COVID-19 vaccine.
“Ang ating PHO po ang mag-sto-store ng ating mga vaccines tapos i-ca-cascade po itong mga vaccines na ito sa mga cold chain ng bawat munisipyo. Included po sa primer na ito yung ating logistic and transportation na magtra-transport po ng ating manpower at included po sa primer na ito counted po lahat nasa 12,000-13,000 po ang ating mga vaccinators po sa buong Palawan po ‘yan.”
Nakasaad din sa vaccination plan ng PHO ang mataas na posibilidad na mabakunahan ang mga ‘high risk’ na indibidwal tulad ng mga matatandang may ‘pre-existing medical conditions’, mga bata at ‘immunocompromised’ na mga indibidwal.
“Isa sa pinaka-highlight po ng primer na ito [ay] yung ating vulnerable population na posible pong mabakunahan ngayong vaccinaton po ng COVID-19 vaccine.”
Samantala, inaasahan naman na humigit kumulang 470,000 katao ang target na mababakunahan sa buong lalawigan ng Palawan base sa talaan ng Philippine Statistic Authority [PSA].
“Base po doon sa ating PSA na 2015 po na projected population, we have a projection po of around 470,000 plus na babakunahan.”
Discussion about this post