Timbog ang apat (4) na kalalakihan mula sa iba’t ibang munisipyo sa Lalawigan ng Palawan sa magkakahiwalay na operasyon ng PNP.
Naaresto ng Narra Municipal Police Station (MPS) noong Martes, Pebrero 16, 2021, sa Sitio Caraniogan, Brgy. Malinao, Narra, Palawan, si Bernie Mendez Capanas, 54 anyos dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.
Nitong Miyerkules naman, Pebrero 18, 2021 ay naaresto ng Quezon MPS si Romnick Sausa Villanueva, 28 anyos, sa National Highway ng Brgy. Pinaglabanan, Quezon, Palawan. May kaso itong Frustrated Murder.
Nitong Miyerkules ay naaresto ng Coron MPS sina Bill Clinton Prensipe Drio, 27 anyos at si Nowe Apuin Divina, 35 anyos, sa Sitio Panggawaran, Brgy. Decalachao, Coron, Palawan.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of The Philippines dahil sa illegal logging.Nasa kustodiya ng PNP ang mga suspek habang hinihintay na iharap sa korte.
Discussion about this post