Muling ipinagpatuloy ng apat na Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng Puerto Princesa City Jail – Mail Dormitory ang kanilang pangarap sa buhay matapos na makapagtapos ng elementarya at sekondarya noong Hulyo 12, 2025 sa isinagawang Gradution and Completion Program sa isang mall sa lungsod.
Dalawa sa mga ito ang umangat mula Grade 3 patungong Grade 7 habang ang dalawa naman ay tumungtong mula Grade 10 patungong Senior High School (Grade 11).
Hindi lang basta nakapagtapos ang apat na PDLs kung’di hinirang din bilang Top 3 ang isang PDL na nagtapos sa elementarya habang pasok naman sa Top 10 ang isang PDL sa kabuuang pumasa sa ALS A&E test.














