Isang mabilisang medical evacuation ang isinagawa ng Philippine Coast Guard matapos ang insidente ng isang nasugatang turistang banyaga sa Big Lagoon, El Nido, Palawan noong Biyernes, Oktubre 18.
Kinilala ang turista na si Fiona Coleman, 26 taong gulang mula sa Ireland, na nagtamo ng sugat sa kanyang kanang paa matapos masugatan ang kanyang kuko habang sakay ng MBCA Haqquiness 2. Agad na nagpadala ng emergency response team ang Coast Guard Station Northern Palawan at Special Operations Unit gamit ang MB Excalibur 0109 upang bigyan ng agarang lunas si Coleman.
Matapos suriin ang kanyang kalagayan, ligtas na inihatid ang turista pabalik sa kanyang hotel para makapagpahinga at makabawi mula sa natamong sugat. Ang insidente ay mabilis na natugunan, na nagpapakita ng kahandaan ng mga awtoridad sa pagtulong sa mga turista sa nasabing sikat na destinasyon.
Discussion about this post