Sa social media na lang nagawang maghinaing ng isang residente sa Barangay Malinao, bayan ng Narra matapos tangayin at alunin ng baha ang kanilang tahanan gayundin ang kanilang tricycle na naipundar bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan magmula pa kahapon, ika-10 ng Oktubre.
Ayon sa Facebook post ni Ofel Balocas, ni wala umano silang nailigtas na gamit o maging damit. Bigla na lamang bumagsak ang pader ng kanilang tahanin at tuloyan na ngang tangayin ng baha ang mga kasangkapan sa loob nito.
“Ang sakit sa kalooban wala man lang nailigtas maski isang gamit o damit at makita mo ‘yung bahay mo unti-unting bumabagsak ang pader at nag-sunuran na palabas ng nasirang bahay ang mga gamit mo at ang isa pang masakit pati tricycle mo makikita mong inaanod na, wala kaming magawa kasi ang bilis ng paglaki ng tubig sobrang lakas ng agos. Back to zero ang life, iiyak na lang,” ani Balocas.
Discussion about this post