Magsasampa ng kaso ang Local Government Unit (LGU) ng Brooke’s Point laban sa asawa ng isang Sangguniang Bayan (SB) Member dahil hindi ito sumunod sa health and safety protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) nang umuwi nito sa kanilang bayan mula sa bansang Malaysia ayon kay Mayor Atty. Mary Jean Feliciano.
“Yung galing sa Malaysia, hindi yun dumaan sa tamang proseso…yun yung asawa ng konsehal [na] hindi yun sumunod sa protocols at health guidelines so nakakalungkot at nakakainis dahil alam niya kung ano ang tama at ano ang batas. magsasampa kami ng kaso para panagutin.”
Dagdag pa ni Mayor Feliciano, wala dapat kinakatigan at dapat din maging patas sa pagbibigay parusa sa sinumang mapatunayan na lumabag sa batas.
“Kasi dapat ipakita namin na wala kaming pinapanigan [o] wala kaming kinakampihan at kailangang harapin ng kahit sino, elected official ka man, mayaman ka man o mahirap, [kapag] nag-violate ka ng ating guidelines ay managot ka.”
Sa kasalukuyan naman ay inaalam pa ng mga awtoridad kung anong eksaktong petsa ito dumating sa kanilang bayan.
“Atsaka until now hindi namin alam kung ano yung totoo, kung kalian ba talaga dumating December 27 ba o January 9.”
Discussion about this post