Sunday, March 7, 2021
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Provincial News

Coast Guard, katuwang ngayon ng LGU-Brooke’s Point para alamin ang naging ruta ng ROF ng Brooke’s Point

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
January 25, 2021
in Provincial News
Reading Time: 4min read
13 1
A A
0
Coast Guard, katuwang ngayon ng LGU-Brooke’s Point para alamin ang naging ruta ng ROF ng Brooke’s Point
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Bilang tugon sa panawagan ng lokal na pamahalaan ng Brooke’s Point sa mga miyembro ng Water Cluster na mas higpitan pa ang pagbabantay sa backdoor ng Lalawigan ng Palawan upang hindi na maulit ang pagpuslit ng isang mamamayan patungong Malaysia, tiniyak ng Coast Guard District Palawan  (CGDP)  na nananatili silang naka-heightened alert status.

“Hindi po kami nagbababa ng alert status namin. Hanggang ngayon, naka-heightened alert pa rin kami regarding po diyan sa pagbabantay sa southern boarders po natin,” ani PCG Station-Puerto Princesa Commander at CGDP Spokesperson Severino Destura sa isang phone interview.

RelatedPosts

Halfway House para sa mga former rebel sa Palawan, malapit nang matapos

‘Presidential Debate System’ gagamiting paraan sa diskusyon ng ‘Yes’ at ‘No’ sa paghahati ng Palawan

Magsasaka na may kasong attempted murder, arestado sa Narra

Aniya, buo ang suporta ng Coastguard sa lahat ng local government unit sapagkat batid din umano ng Philippine Coast Guard na umaasa ang mga lokal na pamahalaan sa kanila sa pagbabantay sa mga pantalan at karagatan, katuwang ang PNP Maritime Group at Philippine Marines.

Ngunit aminado ang opisyal na kulang na kulang ang bilang ng kanilang hanay kumpara sa lawak ng karagatan ng Palawan, at ito umano ang dahilan kaya patuloy pa ang kahilingan nila sa higher headquarters na maragdagan pa ang mga asset ng CGDP, hindi lamang para sa southern part ng lalawigan kundi para sa buong probinsiya.

“Kaya nga po, ganoon din po ‘yong sigasig ng District Commander natin na mag-request po ng karagdagang kawani and then mga speed boat and then additional po na barko na magpa-patrol sa Palawan,” ani Destura.

PAGTULONG NG PCG NA MARESOLBA ANG USAPIN

Bilang tulong din sa LGU, sa ngayon umano ay nagsasagawa sila ng hiwalay na imbestigasyon kung saan nanggaling ang bangkang sinakyan ng asawa ng isang konsehal ng Brooke’s Point at kung paano sila dumaong sa mainland Palawan pagkagaling ng Malaysia. Sa inisyal na impormasyon nilang nakuha ay dumaong ang naturang indibidwal sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza.

“Hindi pa po talaga umaamin pa….‘Yon po ang napag-alaman ng Local Government na sa Rio Tuba sila dumaong. Sa mismong daungan ng Rio Tuba, ini-inspect po ‘yon do’n pero hindi pa identify kung anong bangka, baka gumamit sila ng sariling bangka nila o nagrenta sila; kahit saan kasi pwede silang dumaong,” aniya.

“So, inaalam po namin [ngayon kung] Rio Tuba [ba] siya dumaong, diretso galing Malaysia? Kasi pwede pong Balabac po muna ‘yan sila eh and then, from Balabac to Rio Tuba,” dagdag pa niya.

Aniya, sa ganitong sitwasyon ay napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga opisyales ng barangay “kasi sila ‘yong may first-hand information sa mga constituent nila.”

“So, kung may mapag-alam po sila na may similar na pangyayari po, pwede nilang ipagbigay-alam ‘yon, hindi lang po sa Coastguard, pwede pong sa munisipyo diretso para po masabat sila ng IMT agad,” mensahe pa ng tagapagsalita ng Philippine Coastguard sa Lalawigan ng Palawan.

 

‘KUNG TALAGANG INTENSYON AY TUMAKAS, MAKATATAKAS’

Binigyang-diin ng tagapagsalita ng Coast Guard District Palawan na kahit miyembro man ng local government unit, mga sibilyan o kahit uniformed personnel ay hindi talaga mamo-monitor kung may intensyon silang takasan ang mga nagbabantay na nagpapatupad ng health protocol.

“Ang mga inhabited island po ro’n [sa south], nilagyan po natin ng mga inspektor, ginawa po natin ‘yong control point para po mabantayan ‘yong pagpasok po ng mga tao galing Malaysia. Tapos ‘yong mga assets natin, patuloy po ang pagbabantay ng mga floating asset natin….Pero hindi po ‘yon mababantayan ng barko natin nang tuloy-tuloy. So, kung talagang intensyon ay tumakas, makatatakas po sila gamit ang sasakyang pandagat,” aniya.

“Pagka mga ganyan na dumadating na mga bangka, kung sa tamang daungan sila talaga dadaong, mai-inspect po ‘yan talaga sila and maipatutupad natin talaga ang mga protocol doon, maku-quarantine sila pero kung ang intension nila is tumakas, hindi ‘yan sila dadaan sa may bantay,” ayon pa kay Destura.

Dagdag pa niya, maliban sa aminado silang hindi nila nababantayan ng buong 24 oras ang lahat ng  pantalan sa sur ay hindi lamang iisa ang posibleng daanan bagkus may mga unestablished pa umanong boat landings na kadalasang dinadaanan ng mga gustong umiwas sa inspeksyon.

Kaugnay nito, tahasan ding sinabi ni Destura na nilabag ng kabiyak ng konsehala ng Brooke’s Point ang mga umiiral na batas ngayong pandemya at maging mismo ng nabanggit na konsehal sa pagtatakip sa asawa at di pag-report sa tamang naganap.

“Kaya nga po nandiyan ‘yong mga batas natin na RA 11332, ‘yong reporting ng mga pangyayari na ganyan regarding sa mga infectious diseases, pati RA 11469 sa Bayanihan Act, liable po sila ro’n. Bilang miyembro ng gobyerno, pwede sila kasuhan [base] do’n kasi dapat sila pa [nga] ‘yong manguna sa pagbibigay-alam ng pagdating ng kaanak nila,” ani Destura na ang pinatutungkulan ay ang konsehal ng Brooke’s Point.

 

PANAWAGAN NG ALKALDE NG BROOKE’S POINT

Hiniling naman ngayon ni Mayor Marty Jean Feliciano ng Brooke’s Point sa mga mamamayan ng Balabac at Bataraza na maging supportive at maging alerto din pagdating sa pagsusumbong sa mga taong lumalabag sa health protocol, gaya ng kanilang nasasakupan.

Ito aniya ay dahil na rin sa hamon ng southern Palawan na backdoor patungong kalapit lamang na bansa, kung saan pwede silang dumaong sa alin mang island barangay. Gaya ng napaulat na nagpositibo sa COVID-19  na nakarating ng Malaysia sa pamamagitan lamang ng backdoor entry at exit at walang kaukulang dokumento.

“Dito ‘yong mga mangingisda namin, nagre-report kaagad kung may mga bagong mukha. Sana ganoon din doon sa kanilang mga lugar para masiguro na ‘yong mga pumapasok galing Malaysia ay talagang dumaan sa ating health protocol,” aniya.

Batay sa mga naunang pakikipanayam ng Palawan Daily news Team kay Mayor Feliciano, inaalam pa ng lokal na pamahalaan kung kailan nakauwi ng Lalawigan ng Palawan ang nagpositibo sa COVID-19 na ROF. Sa insiyal na impormasyon, may nagsasabing siya ay dumating sa Palawan noong Disyembre 27 at 28  at mayroon ding nagsasabi na noong January 9 at 10 lamang.

“May negosyo silang birds nest sa Malaysia,” pagbibigay impormasyon pa ni Mayor Feliciano.

Hanggang sa ngayon naman ay nililikom pa umano ng LGU Brooke’s Point ang mga kinakailangang ebidensiya para sa plano nilang pagsasampa ng kaso para sa nasabing residente ng kanilang munisipyo.

Share11Tweet7Share3
Previous Post

Alkalde ng Culion, tatanggalan nga ba ng scholarship ang mga kabataang sasali sa aktibidad ng simbahan?

Next Post

Negosyo, dahilan kaya labas-masok ang ROF na nag-positibo sa COVID-19 sa Brooke’s Point

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Halfway House para sa mga former rebel sa Palawan, malapit nang matapos
Provincial News

Halfway House para sa mga former rebel sa Palawan, malapit nang matapos

March 6, 2021
‘Presidential Debate System’ gagamiting paraan sa diskusyon ng ‘Yes’ at ‘No’ sa paghahati ng Palawan
Provincial News

‘Presidential Debate System’ gagamiting paraan sa diskusyon ng ‘Yes’ at ‘No’ sa paghahati ng Palawan

March 5, 2021
Ex-convict, nanggahasa ng apo ng kabiyak
Provincial News

Magsasaka na may kasong attempted murder, arestado sa Narra

March 5, 2021
Kapitan ng Johnson Island sa Roxas, Palawan, nahulihan ng mga Giant Clam Shells at Bakawan
Provincial News

Kapitan ng Johnson Island sa Roxas, Palawan, nahulihan ng mga Giant Clam Shells at Bakawan

March 5, 2021
Mayor Feliciano: hindi masama ang pangungutang para sa mga proyekto ng pamahalaan
Provincial News

Mayor Feliciano: hindi masama ang pangungutang para sa mga proyekto ng pamahalaan

March 4, 2021
Dugong, natagpuang patay sa Bayan ng Taytay, Palawan
Provincial News

Dugong, natagpuang patay sa Bayan ng Taytay, Palawan

March 3, 2021
Next Post
Negosyo, dahilan kaya labas-masok ang ROF na nag-positibo sa COVID-19 sa Brooke’s Point

Negosyo, dahilan kaya labas-masok ang ROF na nag-positibo sa COVID-19 sa Brooke’s Point

Contact tracing kaugnay ng bagong kaso ng COVID-19 sa Brooke’s Point, Pahirapan

Contact tracing kaugnay ng bagong kaso ng COVID-19 sa Brooke's Point, Pahirapan

Discussion about this post

Latest News

Puerto Princesa City Government, maghihigpit sa pagpapailaw sa Acacia Tunnel

Puerto Princesa City Government, maghihigpit sa pagpapailaw sa Acacia Tunnel

March 6, 2021
Local transmission, naitala sa 5 barangay sa lungsod ng Puerto Princesa

Puerto Princesa City, may pinakamababang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong MIMAROPA

March 6, 2021
Halfway House para sa mga former rebel sa Palawan, malapit nang matapos

Halfway House para sa mga former rebel sa Palawan, malapit nang matapos

March 6, 2021
Dress Up Your Desk with SM Stationery

Dress Up Your Desk with SM Stationery

March 5, 2021
‘Presidential Debate System’ gagamiting paraan sa diskusyon ng ‘Yes’ at ‘No’ sa paghahati ng Palawan

‘Presidential Debate System’ gagamiting paraan sa diskusyon ng ‘Yes’ at ‘No’ sa paghahati ng Palawan

March 5, 2021

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    13075 shares
    Share 5230 Tweet 3269
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    9791 shares
    Share 3916 Tweet 2448
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    8825 shares
    Share 3530 Tweet 2206
  • JCA to Danao: Hindi ka na-elect para magbuhat ng bigas

    5800 shares
    Share 2320 Tweet 1450
  • DOH-CHD considers untested dead PUI to be COVID positive

    5042 shares
    Share 2017 Tweet 1261
Palawan Daily News

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Business
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us

© 2020 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password?

Create New Account!

Fill the forms below to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In