Nagkaroon na ng pag-uusap noong December 3, 2020 ang Local Economic Recovery (LER) Committee at ilang mga opisyales ng Philippine Ports Authority (PPA) kung saan tinalakay ang kahilingan ng Lokal na Pamahalaan ng Busuanga na simulan ang pagpapatakbo ng Putod Pier sa Barangay Salvacion, upang magkaroon ng sariling cargo-passenger vessel na direktang bibyahe mula Manila papuntang Busuanga.
Sa inilabas na impormasyon ng Busuanga Public Information, inaasahang magsisimula ang direktang byahe mula sa Manila to Busuanga sa susunod na taon, 2021.
Lumalabas din umano sa Administrative Order ng Philippine Ports Authority o PPA na pasado ang bayan ng Busuanga para mamahala ng isang feeder port.
Samantala sa isinagawang mga public consultations sa mga business sectors at mga barangay ay buo ang suporta ng mga Busuangeño para simulan ang pagpapatakbo ng sariling ekonomiya ng bayan.
Discussion about this post