Inaasahang magreresulta ng positibong pagtanaw ang katatapos na isinagawang benchmarking activity ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa lalawigan ng Palawan.
Ang mga bumisita para magsagawa ng aktibidad mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ay pinangunahan ni Provincial Administrator Mr. Renato Abutan kasama ang iba pang miyembro ng Public-Private Partnership (PPP) Selection Committee.
Isa sa dahilan kung bakit napili ng pamahalaan ng Cavite ang lalawigan ng Palawan ay upang malaman ang proseso ng mga proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) gaya ng reclamation project sa bayan ng Coron.
Ipinahayag ni Prov. Administrator Abutan, “gusto naming malaman ang angking kultura at turismo ng Palawan. And of course, nais namin malaman yung mga ginagawang proseso sa PPP project ng Palawan especially pagdating sa development at investment.”
Pinangunahan ni Bise Gob. Leoncio Ola ang pagsalubong sa mga panauhin kasama sina Board Member Anton Alvarez, BM Toto Pineda, Provincial Legal Officer Atty. Joshua Bolusa, Atty. Mary Joy Cascara, Provincial Planning and Development Office OIC Sharlene Vilches, at Provincial Tourism Promotions and Development Officer Maribel Buñi.
Source: PIO Palawan
Discussion about this post