Dumalo sa isang ribbon cutting ceremony ang Coral Bay Nickel Corporation (CBNC) kasama ang mga opisyales ng Narra Integrated School noong Pebrero 21, 2024, para sa bagong science laboratory na itinayo sa nasabing paaralan.
Ayon sa prinsipal nito na si Mr Noli P. Acosta, Principal II, malaking tulong umano ang nasabing laboratoryo para sa mga estudyante at maging sa mga guro nang sa gano’n ay mas mapalalim pa ang kanilang kaalaman sa mundo ng siyensya.
Samantala, lubos na ibinahagi ni Mr. Laurence P. Amores, punong tagapamahala ng CBNC-ComRel, ang dedikasyon ng korporasyon na tumulong at mag serbisyo sa komunidad hindi lamang sa bayan ng Bataraza kundi sa buong parte ng Palawan.
Nagpasalamat naman sa CBNC ang Narra Integrated School sa makabagong proyekto nito na magiging simula sa paghubog ng bagong kaalaman sa siyensya at teknolohiya.
Discussion about this post