Huli ng Awtoridad ng Taytay Municipal Police Station at Regional Mobile Force Battalion 4B Ang dalawang myembro ng DENR matapos na makatanggap ng tawag ang PNP mula sa concern citizen at agad nagsagawa ng check point operation ang Pulisya at naharang ang dalawa sakay ng motorsiklo sa Barangay Poblacion, Taytay, Palawan ganap na 7:30PM November 27.
Kinilala ang dalawang lalaki sina, be Ariel Opati Martinez, 29 anyos, DENR volunteer, binata, at residente ng Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City at si Edjay Honorio Adon, 25 anyos, Forest Protection Technician DENR, Taytay, Palawan, residente ng Barangay Tumarbong, Roxas, Palawan.
Nakuha sa kanila ang Isang Cal. 45 pistol, Armscor kasama ang magazine na may walong live ammunition; Isang ng 12 gauge shotgun na may limang live ammunition; Dalawang magazine ng caliber 45; Labing dalawa na live ammunition para sa caliber 45; siyam na live ammunition para sa 12 gauge shotgun; at Isang kotsilyo.
Sa imbestigasyon ng PNP napag-alam na ang dalawang armas pag aari ito ni, Leo Del Rosario Tabernalia, empleyado ng CENRO-Taytay, Palawan.
Samantala, nasa kostudiya na ng Taytay PNP ang dalawang lalaki at patuloy na iniimbestigahan.
Discussion about this post