Matagumpay na nasagip ng mga kawani ng Coast Guard District Palawan ang dalawang mangingisda na naiulat ng Naval Forces West na nawawala sa karagatan ng West Philippine Sea noong Huwebes, Oktubre 26.
Ng makatanggap ng tawag, agad na ipinadala ng PCG ang BRP Sindangan (MRRV 4407) upang magbigay ng tulong sa operasyon ng paghahanap.
Batay sa impormasyong nakuha, bandang 10AM ng umaga noong Oktubre 25 ay naglalayag ang FB Lantis Andrei malapit sa Bulig o First Thomas Shoal, West Philippine Sea, kasama ang isang maliit na bangka (kulay dilaw) na may dalawang sakay na mangingisda.
Ngunit sa pagtatapos ng araw, nagtamo ng hindi inaasahang pangyayari ang mga mangingisda. Pasado 12NN ng tanghali, napansin ng Kapitan ng FB Lantis Andrei na nawawala na ang maliit na bangka. Kaagad niya itong hinanap, ngunit tila ito’y hindi nagtagumpay sa paghahanap.
Samantala, kahapon, araw ng Biyernes, Oktubre 27, matagumpay na nasagip ng MRRV 4407 ang dalawang mangingisda.
Agad silang binigyan ng medical assistance, pagkain, at tubig.
Ang insidente ay nagdulot ng pag-aalala sa seguridad ng mga mangingisda sa nasabing lugar.
Discussion about this post