Nabigyan na ng barangay business permit ng Barangay Bato-bato ang kompanyang DMCI Power para sa kanilang planong itayong 15 mega watt coal-fired power plant.
Ayon kay Kapitan Ernesto Ferrer ng Bgy. Bato-bato, noong nakalipas na linggo ito nila naibigay sa pribadong kompaniya matapos na makakuha ng kopya ng Environmental Compliance Certificate o ECC na inisyu ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
“Last week po pagpadala nila ng request nila at copy ng ECC nila pinag usapan namin sa konseho, nagsesyon kami at ‘yun binigyan namin agad ng business permit ang DMCI,” ani ni Ferrer.
Sinabi pa ni Ferrer na ang kanilang ibinigay na business permit ay para magamit ng DMCI bilang supporting documents sa pagkuha naman ng Mayor’s permit at building permit.
“Pupuwede na silang mag-umpisa kung mabibigyan sila ng mayor’s permit at building permit,” dagdag pa ni Ferrer.
Nanindigan rin si Ferrer na dumaan sa tamang proseso ang planong pagpapatayo ng coal-fired power plant kaya binigyan nila ito noon ng endorsement.
Discussion about this post