Nagsasagawa ng emergency response preparedness inspection ang Provincial Desaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO sa iba’t ibang lugar sa lalawigan upang malaman ang kahandaan ng mga munisipyo ngayong panahon ng tag-ulan, ito ang naging tugon ni Jeremias Alili head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) panayam ng Palawan Daily News sa programang “News Room”.
“Panahon po ngayon ng pag-conduct namin ng Emergency Response Preparedness Inspection. So pumupunta po kami sa mga MDRRMOs para i-check yung preparedness capability lalo na ngayon pumapasok na sa atin ang pag-ulan-sa mga napuntahan naman na munisipyo ay maayos naman,” ani Alili.
Kabilang din aniya sa kanilang binabantayan ang kahandaan ng mga Barangay, Municipal Disaster Risk Reduction Management Offices (MDRRMOs) kapag bumuhos ang malakas na ulan na kung saan kailangan ay walang bara sa mga drainage system, kanal at mga ilog upang maiwasan ang pagbaha.
“Pinaaabisuhan po natin yung ating mga PDRRMC, mga Barangay, MDRRMOs na e-initiate na po yung paglilinis ng daluyan ng tubig, yung mga kanal- so kung ito po ay mababaw na pwedi nang linisin kapag maayos-ayos na ang panahon , para po kung nagkaroon ng malakas na pag ulan ma-accomodate po ng ating mga kanal, mga ilog yung tubig baha, para hindi na kumalat at makaabot pa sa ating mga kabahayan,” pahayag ni Alili.
Pagdating naman sa mga lugar sa lalawigan na landslide-prone areas gaya ng Coron at ilang lugar pa puntang San Vicente ay ginagawan narin aniya ng paraan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Department of Public Works and Highways o DPWH upang maayos.
“Coron palagian po nagkakaroon ng landslide, dito rin sa ilang bayan papuntang san vicente- so ito naman po ay kino-coordinate natin sa DPWH kaya kung makikita po natin patuloy yung pag construct ng DPWH ng mga slope protection sa ating mga kalsada para po maiwasan o ma- medicate ang insedente ng landslide,” dagdag pa ni Alili.
Nakahanda rin aniya ang mga evacuation center sa bawat lugar o maging sa mga Barangay kung sakaling kakailanganin lumikas ang ilang residente, subalit nilinaw din ng opisyal na hindi pinapayagan gamitin ang mga quarantine facility bilang evacuation center upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“Marami po sa ating mga barangay may evacuation centers at may mga response unit yun po nakikita natin sa ating pag iikot. Yung mga evacuation centers po natin na ginagamit na quarantine facility ay hindi na po natin ina-allow maging evacuation center kapag may mga pag baha. Sa mga Barangays naman po natin maliban sa mga schools ay nag identify din ng iba’t ibang pang evacuation center- yan din po ay pina inventory natin sa mga MDRRMOs,” paglilinaw ni Alili.
Discussion about this post