Patay ang 19 na taong gulang na estudyante sa Purok Umalad, Barangay 4, Bayan ng Roxas ganap na 11:AM Oktobre 22, nang sumalpok ang motorsiklo nito sa truck.
Kinilala ang nasawi na si Christian Anoche Favila, driver ng motor, at residente sa Barangay San Jose, Roxas habang ang driver ng truck kinilala na si Mark Christian Camila Tindeg, 24, anyos glass installer, residente sa Barangay 3.
Sa imbestigasyon ng Pulisya, galing sa Barangay Abaroan South ang Nissan Vanette Mini Truck papuntang north at pakurbada ang daan at huminto ito upang mag U-turn na hindi namalayan ang motor na nakasunod dahilan upang sumalpok ito sa truck.
Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang biktima at agad dinala ng MDRMO Roxas sa pagamutan ngunit dineklara rin ng sumuring doctor na dead on arrival na ito.
Discussion about this post