Ginugunita ngayong buwan ng Marso ng Bureau of Fire Protection ang Fire Prevention Month 2022 kick off ceremony na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.”
Dinaluhan ito ng Bureau of Correction Iwahig Prison and Penal Farm, Bureau of Jail Management in Penology, City Water District, City Traffic Management Office, City Disaster Risk Reduction Management Office, Philippine Air Force, pribadong sektor at ng ibat-ibang mga nagmamay-ari ng establisyemento sa lungsod.
Ayon kay Fire Chief Inspector Nilo Caabay Jr., City Fire Director, ang sapat na kaalaman pagdating sa sakuna ay isa mga dapat seryosohin. Kung mayroon man sunog ay kinakailangang agad na itawag sa kanilang himpilan. Lagi umanong nakaantabay ang BFP para sa mga ganitong klase ng sakuna.
Nag-iikot din sila sa mga iba’t ibang barangay upang paalalahanan ang mga mamamayan ng mga paraan upang makaiwas sa sunog atmapanatiling ligtas ang mga kabahayan at ari-arian.
“Basic information unang-una bago matulog o umalis ng bahay ugaliin tingnan ang mga kuwarto ng ating mga anak at buong bahay, bunutin ang mga hindi dapat nakasaksak na appliances,” ayon kay Caabay.
“Pangalawa, ugaliin na may laman ang mga timba mula sa kusina at palikuran kahit magkaroon ng fire emergency mayron agarang magagamit. Pangatlo, kapag mayroon fire emergency wag mag atubili na tumawag sa hotline ng Bureau of Fire Protection,” pahayag ni Cabaay sa kaniyang mensahe.
Madalas umano na pinagmumulan ng sunog ay ang kable ng kuryente at pagsusunog ng basura. Base sa kanilang record, nagsisimula ang tag-init ay buwan ng Marso hanggang Mayo at marami ang naitatalang fire emergency.
Nagpapasalamat naman ang Bureau of Fire Protection sa pakikiisa ng ibat-ibang organisasyon at ahensya sa kanilang patuloy na adhikain na protektahan ang mga mamayan at maiwasan na magkaroon ng sunog.















Discussion about this post