Nasungkit ng Hiraya Y Obra at Disenyo ng Barangay Mandaragat, Puerto Princesa, ang kampeonato sa isinagawang Float Parade Competition – Open Category na nag-uwi ng P200,000 cash prize nito lang Hunyo 23.
Itinanghal naman na first runner up ang Elitistas Circle of Models ni Thom Favilla na tumanggap ng P150,000 cash habang pumangalawa naman sa pwesto ang Santo Niño Banana Producers Association – San Vicente na tumanggap ng P100,000 cash prize.
Samantala, tumanggap ng tig P50,000 cash bilang consolation prize ang mga barangay ng San Manuel, Bancao-Bancao, Milagrosa, San Pedro, at Bacungan. Napagkalooban din ng consolation prize ang mga kalahok na Teen Goals Foundation, AATOPPPP, Team Pinoy Travel & Tours, Backride Pinas, at Palawan Pawnshop.