Ipinagdiwang ng pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang ika-126 na taong anibersaryo ng kalayaan ngayong araw, Hunyo 12.
Ginanap ang pag gunita at iba pang aktibidad kaninanh 6:00 ng umaga sa Liwasang Rizal, lungsod ng Puerto Princesa.
Pangungunahan ito ni Puerto Princesa Mayor Lucilo R. Bayron, WESCOM Commander RADM Alfonso F. Torres JR NR, Puerto Princesa City Police Office Police Colonel Ronie S. Bacuel, at ang ahensya ng gobyerno.
Ang Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan ay isa sa mga taunang pagdiriwang sa Pilipinas na ginaganap tuwing Hunyo 12 bilang pag-alala ng Pamamahayag ng Kalayaan ng Pilipinas.
Ngayong taon ay sinasalamin ng bawat Pilipino ang ika-126 na taon ng pagiging malaya ng bansa mula sa pananakop ng Espanya na nagtapos noong Hunyo 12, 1898.
Discussion about this post