Arestado ang tatlong lalaki sa bayan ng Coron na kinilala na sina Jonel Ebina y Manungol, 32, residente ng Brgy. Salvacion, Busuanga; Ardie Lera y Tsiptaw, 28, residente ng Brgy. Guadalupe, Coron, at Sandrex Dadaya y Braganza, 24, residente ng Sitio Dumagan, Brgy. Salvacion, Busuanga.
Ayon sa ulat ng 2nd Special Operation Unit-Maritime Group Coron sa pangunguna ni PLT Joel Babera sa ilalim ni PLTCOL Ricardo Dalmacia, 2nd SOU-MG Commander kasama DENR-CENRO-Coron na nagsagawa ng operasyon sa Sitio Kelyen, Brgy. Decalachao, Coron, Palawan noong Enero 28, 2021 na nagresulta sa pagkahuli sa tatlo at nakumpiska mismo sa kanila ng nasa 281 board feet na iba’t ibang uri ng troso na nagkakahalaga ng Php12,663.00.
Wala naman maipakitang dokumento ang tatlo sa awtoridad ng sila ay hanapan kaya inaresto ang mga ito at maging ang kahoy ay kinumpiska na gagawing ebidensya.
Nakasuhan na ng paglabag sa Presidential Decree 705, Section 77 (Cutting, Gathering and Slash or Collecting Timber or other forest products without license) under Forestry Reform Code of the Philippines), ang tatlo.
Discussion about this post