Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Bataraza Municipal Police Station ang isang most wanted person na may rank no. 1 ng Bataraza MPS sa Sitio Tigwayan, Barangay Pasi-Pasi, sa nasabing bayan noong Enero 31.
Kinilala ang suspek na si Roger Bulao Bulno, 38 anyos, may asawa, magsasaka, at residente sa lugar sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Ramon Chito R. Mendoza, Presiding Judge of RTC, Branch 165, Brooke’s Point, Palawan noong Disyembre 3, 2021 sa kasong murder.
Walang inirekomenda na pyansa sa kaso ng lalaki para sa pansamantalang kalayaan nito.
Arestado naman sa bayan ng Araceli ang isa pang wanted at rank no. 1 sa Barangay Bohol, Dumaran, Palawan Enero 31.
Kinilala ang suspek na si Marlon Egania Agda, 43 anyos, binata, mangingisda, at residente sa nasabing lugar.
Inaresto ito ng CIDG Palawan, Dumaran PNP, at Araceli PNP sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Emmanuel Q. Artazo, Presiding Judge of Family Court 14-FC, Taytay, Palawan sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Sec 5(b) of RA 7610.
Kinakailangan naman makapagpyansa ang lalaki sa kaso nito na halagang P200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Samantala ang dalawang naaresto ay nasa kustodiya na ng CIDG para sa tamang disposisyon.
Discussion about this post