Timbog ng Cuyo Municipal Police Station at Palawan Provincial Mobile Force Company ang lalaki na wanted sa batas at rank no. 5 ng municipal level at naaresto sa Barangay Maringian, Cuyo, Palawan noong Enero 31.
Kinilala ang suspek na si Marvin Sarabillo, 21 anyos, binata, at residente ng nasabing lugar.
Sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge Norferio B. Nono, Acting Presiding Judge of 1st MCTC-Cuyo-Agutaya-Magsaysay, Cuyo, Palawan noong ika-13 ng Enero sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Damage to Property at may inilaang pyansa ang korte para sa kaso ng lalaki na halagang 60,000.00.
Matatandaan noong ika-13 ng Abril 2021 nang maganap ang aksidente sa Provincial Road, Barangay Bancal, Cuyo, Palawan na kinasangkutan ng suspek habang nakamotor ay nakabanggaan din nito ang motorista na si Jiemar Martinez na nasawi sa aksidente.
Samantala nasa kustodiya na ngayon ng Cuyo PNP ang suspek para sa tamang disposisyon.















Discussion about this post