ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Exclusive

Exclusive: ‘Police asset’, arestado sa pagpaslang sa lalaki sa Culion; Pulis na umano’y kasama sa pagpaslang nasa warrant din

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
April 11, 2026
in Exclusive, Police Report
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Menor de edad, patay sa saksak sa bayan ng Rizal
Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na

8 sangkot na pulis-Irawan, sinampahan na ng kasong administratibo

Pulis na sangkot sa pagpatay sa Culion, nasa kustodiya na ng Coron MPS

Print Friendly, PDF & Email
Sa gitna ng mga kontrobersyang kinasasangkutan ng pulisya sa lalawigan, isang malagim na kwento ng pagmamalabis sa kapangyarihan ang nailahad sa Palawan Daily News pitong buwan matapos ang isang krimen na kumitil sa buhay ng isang 46-anyos na lalaki sa bayan ng Culion.

Nabasag ang mahabang katahimikan ng kaso nitong Biyernes, Abril 10, matapos madakip ng mga awtoridad sa Culion ang suspek na si BJ Montaño, ang nagsilbi umanong “asset” ng pulis na itinuturong pumatay kay Ferdinand Abadiano noong nakaraang taon.

Ngunit sa kabila ng paglabas ng warrant of arrest, nananatiling umanong malaya at kasalukuyan pang aktibong gumaganap sa kanyang tungkulin ang pangunahing suspek na si PSSg Arden Cortez, na naka-assign ngayon sa Agutaya Municipal Police Station (MPS).

Batay sa impormasyong nakalap mula sa source na itinago sa pangalang “Robert” para sa kanyang seguridad, naganap ang pamamaslang bandang 8:30PM noong gabi ng Setyembre 6, 2025, sa Barangay Balala, Culion, Palawan.

Lasing umano si Cortez, nakasibilyan pero suot ang kanyang police jacket nang pasukin ang tahanan ng biktima kasama ang lasing din na si Montaño.

Sa kabila ng pagiging mag-“brother” nina Cortez at Abadiano sa fraternity na Tau Gamma Phi, tinutukan umano ng baril ng pulis ang biktima bago nila ito pinagtulungang gulpihin sa loob mismo ng pamamahay nito.

Ayon pa kay Robert, tumagal ang tensyon ng mahigit isa’t kalahating oras kung saan hinala sa ilegal na droga ang itinuturong mitsa ng dahas.

Madaling araw ng Setyembre 7 nang tuluyang malagutan ng hininga si Abadiano matapos dumaing ng matinding sakit sa katawan. Ayon sa death autopsy result mula sa pagsusuri ng NBI, Traumatic Injury sa abdomen ang naging mitsa ng kanyang kamatayan, isang indikasyon ng tindi ng bugbog na tinamo nito sa kamay ng mga suspek.

Kinumpirma rin ni Cedric Caabay, imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI) Palawan, na pormal na silang nagsampa ng kasong homicide laban sa mga suspek na naging basehan sa pagpapalabas ng warrant of arrest.

Ngunit sa halip na ma-relieve o masuspende sa tungkulin habang gumugulong ang imbestigasyon, napaulat na inilipat lamang umano ng Philippine National Police (PNP) si Cortez sa El Nido sa loob ng isang buwan. Matapos ang maikling pananatili sa El Nido, binigyan ito ng bagong assignment at kasalukuyang naninilbihan sa Agutaya MPS.

Sa loob ng pitong buwan, nagawang ilihim ng pamilya Abadiano ang detalye ng krimen dahil sa matinding takot, lalo na’t isang aktibong miyembro ng PNP ang kanilang idinidiin na malaya pang nakakalipat ng destino sa kabila ng kinasasangkutang krimen.

Ang paglabas ng warrant of arrest nitong Abril 10 ang naging hudyat upang maunang madakip si Montaño sa Culion.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong homicide na ngayon ay gumugulong na sa Regional Trial Court (RTC) sa Coron, at karagdagang administrative case ng pulis na si Cortez sa ilalim ng Palawan Provincial Police Office (PPO).

Sinubukan ng Palawan Daily News na makuha ang panig ni PSSg Cortez, ng Agutaya MPS, at ng Palawan Provincial Police Office (PPO), ngunit bigo ang pahayagan na makakuha ng anumang pahayag mula sa kanila hanggang sa oras ng pagkakalathala ng ulat na ito.

Bukas pa rin ang Palawan Daily News sa panig ng mga akusado.

Inaasahang ang pagkakaaresto kay Montaño ang magsisilbing susi upang tuluyang mapanagot si Cortez at mabigyan ng katarungang matagal nang hinihintay ng pamilya Abadiano.
Tags: Agutaya Municipal Police Stationpolice assetPolice Report
Share10Tweet6
ADVERTISEMENT
Previous Post

Kursong EMS NC II, aarangkada na sa Petrosphere Puerto Princesa

Next Post

Pulis na sangkot sa pagpatay sa Culion, nasa kustodiya na ng Coron MPS

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na
City News

Apat pang pulis na sangkot sa Irawan shooting incident, pinangalanan na

April 20, 2026
Pulis-Irawan, sibak sa pwesto matapos ang madugong Biyernes Santo
City News

8 sangkot na pulis-Irawan, sinampahan na ng kasong administratibo

April 20, 2026
Wanted dahil sa kasong pang-aabuso, arestado sa Brgy. San Miguel
Police Report

Pulis na sangkot sa pagpatay sa Culion, nasa kustodiya na ng Coron MPS

April 12, 2026
PNP, inamin ang ‘lapses’ sa barilan sa Irawan; 4 na pulis-Puerto Princesa, pinangalanan na
City News

‘Susmaryosep, kahawig lang pala’

April 9, 2026
Timeline: Pagkakasunod ng mga pangyayari ng barilan sa Irawan base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP
City News

Timeline: Pagkakasunod ng mga pangyayari ng barilan sa Irawan base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP

April 9, 2026
Lasing at hindi naka-uniporme; PNP inamin ang mga pagkukulang sa Irawan shootout
City News

Lasing at hindi naka-uniporme; PNP inamin ang mga pagkukulang sa Irawan shootout

April 9, 2026
Next Post
Wanted dahil sa kasong pang-aabuso, arestado sa Brgy. San Miguel

Pulis na sangkot sa pagpatay sa Culion, nasa kustodiya na ng Coron MPS

10 rescue vehicles, dumating na sa Roxas; lahat ng mga barangay, target mabigyan pagsapit ng taong 2028 — Mayor Sabando

Roxas LGU procures rescue vehicles to service patients

Latest News

Puerto Princesa, nakapagtala ng sunod-sunod na pagbisita ng cruise ships nitong buwan ng Enero

24 na cruise ships, inaasahang darating sa Puerto Princesa sa susunod na taon

July 22, 2026

The Power of Intentionally Slowing Down

July 19, 2026

Why Words Matter: The Psychology Behind the Phrase ‘Trans Women Are Women’

July 19, 2026
CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

CBNC plants over 5,000 Palawan endemic trees to mark World Environment Day

July 3, 2026
CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening

CBNC showcases its projects and community contributions to MinEcon 2026 delegates at exhibit opening

June 18, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15275 shares
    Share 6110 Tweet 3819
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11753 shares
    Share 4701 Tweet 2938
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10303 shares
    Share 4121 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10183 shares
    Share 4073 Tweet 2546
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9757 shares
    Share 3902 Tweet 2439
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing