ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home City News

Timeline: Pagkakasunod ng mga pangyayari ng barilan sa Irawan base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP

Hanna Camella Talabucon by Hanna Camella Talabucon
April 9, 2026
in City News, Police Report, Puerto Princesa City
Reading Time: 6 mins read
A A
0
Timeline: Pagkakasunod ng mga pangyayari ng barilan sa Irawan base sa inisyal na imbestigasyon ng PNP

File photo

Share on FacebookShare on Twitter

RelatedPosts

City eyes digital payout for allowances

Structure in mangroves area demolished

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

Print Friendly, PDF & Email
Batay sa press conference na pinangunahan ni PBGen Jovencio Badua Jr., Regional Director ng PRO MIMAROPA, ngayong Lunes, inilahad ang mga detalye sa madugong insidente sa Zone 13, Barangay Irawan noong Biyernes Santo, Abril 3.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagsimula ang trahedya sa isang alitan sa lamayan na nauwi sa sunod-sunod na pamamaril na ikinasawi ng tatlong indibidwal. Narito ang mga mahahalagang impormasyon mula sa kanyang ulat:

𝟭. 𝗔𝗟𝗜𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡

Ayon sa salaysay ni Badua, ang gulo ay hindi nagsimula sa isang operasyon, kundi sa isang personal na alitan sa lamayan sa tahanan ng pamilya Rivera. Dalawang pulis, sina PCpl Renato Bendaña at PSSg Jonah Balangan, ang dumating sa lugar na nakasibilyan, sakay ng motorsiklo, at umano’y nakainom.

• Ang Ugat: Tumanggi ang mga tao sa lamayan na paraanin ang dalawa, na humantong sa isang mainit na pagtatalo.
• Ang Pisikal na Komprontasyon: Nauwi ang sigalot sa pambubugbog sa dalawang pulis. Ayon sa ulat ni Badua, “kinuyog” ang mga ito at nagtamo ng mga sugat bago nakahingi ng saklolo sa kanilang mga kasamahan sa Police Station 2.

“Nag ugat ito sa isang girian o pagtatalo sa lamayan ni Mr. Rivera, so itong dalawang pulis na si Balangan at saka si Bendaña ay nakainum. So they were visibly drunk at that time and sabi nila sa kanilang statement na nakikiusap sila na sila ay padaanin, lulan sila ng motorsiklo, so doon palang nagkaroon na ng pagtatalo hanggang sa hindi sila pinayagan then Ayun na, kinuyog na sila. Nagkaroon ng bugbugan, nagkasugat yung aming pulis, malamang may nasugatan din sa kabilang hanay,” ani Badua.

𝟮. 𝗔𝗡𝗚 ‘𝗣𝗔𝗚𝗥𝗘𝗦𝗣𝗢𝗡𝗗𝗘’

Rumesponde sina PSSg Ryan Cris Cabaña at PSSg Jayson Fernandez upang tulungan ang kanilang mga kasamahan. Gayunpaman, dito nagsimulang lumitaw ang mga krusyal na detalye sa ballistics:

• Warning Shots: Kinumpirma ni Badua na nagpaputok si Bendaña ng dalawang beses pababa habang papalapit sa lugar. Ang mga basyong narekober sa crime scene ay tumutugma sa pahayag na ito at sa pagsusuri ng crime laboratory.
• Ang Pagtukoy: Itinuro ni Balangan si COI Jesor Talon bilang isa sa mga bumugbog umano sa kanila, na nagtulak sa grupo patungo sa tahanan ni Talon.

“After that, nagpasaklolo sila sa mga stationed personnel natin sa Station 2. So rumesponde itong dalawa, sina PSsg Cabaña at PSsg Fernandez kasama ‘yung dalawang pulis na lasing. So habang pa-approach itong si Cabaña ay nagpaputok agad ng dalawang beses, downward. Ito ay tumutugma sa narekober na cartridge sa kanyang baril. Forensic result ‘yun,” ayon kay Badua.

𝟯. 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗚𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗥𝗢

Sa labas ng bahay ni Talon, kung saan naroon ang kanyang asawa at anak, naganap ang huling bahagi ng trahedya. Sa puntong ito, binigyang-diin ni Badua na lahat ng sangkot ay armado ng 9MM service firearms (Taurus, Glock, at IWI).

• Gunpowder Residue: Sa paraffin test, nagpositibo sina Cabaña at Talon, na nagpapatunay na kapwa sila nagpaputok ng baril. Nagnegatibo naman si Fernandez.
• Ang Resulta: Idineklarang patay sina Cabaña, Fernandez, at Talon matapos ang palitan ng putok.

“Then, habang ‘yung dalawa na sina Ssg Cabaña at Fernandez pumunta naman sa bahay ni CO1 Talon. Naituro kasi ni Balangan na si CO1 Talon ang isa sa mga bumugbog sakanila. So pumunta sila doon, all in civilian clothes. And hinahanap pa namin ‘yung ibang testigo or witness, nandoon ‘yung asawa’t anak ng yumaong CO1 at nagkaputokan doon. So hindi pa kami makapagbigay ng conclusive details considering na hinihintay pa namin kung kaninong baril ‘yung pumutok at kanino tumama kasi lahat sila may 9MM. May Taurus, may Glock at IWI type. All are issued firearms sa mga pulis,” ani Badua.

𝟰. 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗣𝗦𝗘𝗦 𝗔𝗧 “𝗥𝗘𝗗 𝗙𝗟𝗔𝗚𝗦” 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗧𝗢𝗖𝗢𝗟

Sa kabila ng pagiging “initial account,” hindi ikinuwari ni Badua ang mga posibleng paglabag sa Standard Operating Procedures (SOP) ng PNP, lalo na’t nasa Full Alert Status ang buong pwersa dahil sa Semana Santa:

𝙋𝙊𝙎𝙄𝘽𝙇𝙀𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝙇𝘼𝘽𝘼𝙂 𝘼𝙔𝙊𝙉 𝙎𝘼 𝙄𝙈𝘽𝙀𝙎𝙏𝙄𝙂𝘼𝙎𝙔𝙊𝙉:

A. Sobriety – May ulat na nakainom ang mga pulis na unang nasangkot sa gulo.
B.Proper Uniform – Lahat ng rumespondeng pulis ay naka-sibilyan sa oras ng insidente.
C. Mobility – Hindi gumamit ng marked police vehicle ang mga rumesponde.
D. Chain of Command – Sinusuri kung ang pagresponde ay dumaan sa tamang dispatch protocol ng istasyon.

“Kasi that’s one lapse na tinitingnan. Ang kapulisan ay heightened alert that time, full alert, kailangan talaga na nakauniform ang ating pulis. At doon sa pagresponde dapat sila ay nagresponde with a marked vehicle. And also, totoo po ‘yung balita na ‘yung dalawang pulis ay nakainom. That’s another lapse. Pananagutin natin lahat ng mga pulis. Hindi po tayo nagtotolerate ng ating mga kasama na hindi po sumusunod sa ating polisiya much more ‘yung mga nakakalimot sa misyon ng PNP, kami po ay dapat mag prevent crime, prevent and control crime, peace and order dapat, ensure public safety, na kanilang mga sinuway, with the active support of the community, ano ang ginawa nila? Nakipag-away. Lalong Lalo na itong dalawa. So directly facing legal actions for sure. We will not tolerate their actions, violating directives, and system protocols,” ani Badua.

𝟱. 𝗔𝗡𝗚 “𝗡𝗔𝗞𝗔𝗚𝗔𝗣𝗢𝗦” 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗝𝗢𝗜𝗡𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗘

Isa sa pinakamabigat na aspeto ng kaso ay ang lumabas na ulat at video na hawak ng pamilya Talon, kung saan umano’y nakagapos ang mga kamay ng biktima sa gitna ng insidente.

“Doon sa account ng mga witnesses ay nasa harap sila but again we need to watch the video. And ‘yung kanyang asawa, ni CO1 Talon, ay nasa NBI. We are conducting a joint investigation on this matter. Pumunta siya dito para maberipika yung kung ano talaga ang statement niya,” ani Badua.

Bagamat hawak na ng mga awtoridad ang impormasyong ito, nananatiling maingat si Badua. Ayon sa kanya, hindi pa nabeberipika ang video at kailangan pang hintayin ang resulta ng trajectory analysis upang malaman kung saan nanggaling ang mga nakamamatay na bala.

𝟲. 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗞𝗕𝗔𝗡𝗚

Sa kasalukuyan, isang joint investigation sa pagitan ng PNP at NBI ang isinasagawa upang matiyak ang pagiging patas ng kaso. Tiniyak ni Badua na magkakaroon ng hiwalay na administrative at legal na pagsusuri para panagutin ang mga pulis na napatunayang lumabag sa kanilang tungkulin.

Nananatiling “work in progress” ang imbestigasyon, at ayon sa pamunuan ng pulisya, ang mga ebidensyang forensic at testimonial ang magdidikta sa pinal na konklusyon ng madugong Biyernes Santo sa Irawan.

“So that’s the initial (investigation) of the crime lab, until such time na mag-release sila ng conclusive evidence that’s the time na masasabi natin na ‘yung buong kuwento,” ani Badua.
Tags: Barangay IrawanPBGEN Jovencio Badua Jr.Police Reportpuerto princesa city
Share2Tweet1
ADVERTISEMENT
Previous Post

Lasing at hindi naka-uniporme; PNP inamin ang mga pagkukulang sa Irawan shootout

Next Post

‘Susmaryosep, kahawig lang pala’

Hanna Camella Talabucon

Hanna Camella Talabucon

Related Posts

City eyes digital payout for allowances
City News

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026
Structure in mangroves area demolished
City News

Structure in mangroves area demolished

May 18, 2026
CDRRMO finalizes hazards contingency plans
City News

CDRRMO finalizes hazards contingency plans

May 14, 2026
PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs
City News

PPCCI partners with WPU to help empower local entrepreneurs

May 8, 2026
BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa
Agriculture

BFAR trains Bangus fish cage operators to sustain local production in Puerto Princesa

May 5, 2026
City News

City crafts contingency plan for sanitary landfill

May 4, 2026
Next Post
PNP, inamin ang ‘lapses’ sa barilan sa Irawan; 4 na pulis-Puerto Princesa, pinangalanan na

'Susmaryosep, kahawig lang pala'

Pulis-Irawan, sibak sa pwesto matapos ang madugong Biyernes Santo

Pulis-Irawan, sibak sa pwesto matapos ang madugong Biyernes Santo

Latest News

Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy

Legazpi calls for stronger safeguards for student-athletes after Ateneo drowning tragedy

June 11, 2026
Pinoy Workers’ Legazpi backs expanded retirement benefits for judges

Pinoy Workers’ Legazpi backs expanded retirement benefits for judges

June 3, 2026
SM in the Visayas win Silver at prestigious ICSC MAXI Awards

SM in the Visayas win Silver at prestigious ICSC MAXI Awards

June 2, 2026
Congress pushes for strengthening energy and supply security

Congress pushes for strengthening energy and supply security

May 18, 2026
City eyes digital payout for allowances

City eyes digital payout for allowances

May 18, 2026

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15266 shares
    Share 6106 Tweet 3817
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11724 shares
    Share 4690 Tweet 2931
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10303 shares
    Share 4121 Tweet 2576
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    10146 shares
    Share 4058 Tweet 2537
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9751 shares
    Share 3900 Tweet 2438
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing