๐๐ข ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ฎ๐ข๐ฅ๐ถ๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐บ๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ฆ๐ด ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ฐ ๐ด๐ข ๐๐ข๐ณ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐บ ๐๐ณ๐ข๐ธ๐ข๐ฏ, ๐ต๐ข๐ต๐ญ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ข๐บ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ช๐จ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฏ๐ข๐ฑ๐ถ๐ต๐ฐ๐ญ ๐ฅ๐ข๐ฉ๐ช๐ญ ๐ด๐ข ๐ช๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐ข๐ญ๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ฐ ๐ฏ๐ข ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ฎ๐ข๐ฏ ๐ญ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ถ๐ฎ๐ข๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด๐ถ๐ด๐ช๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ฆ๐ณ๐ช๐ฑ๐ช๐ฌ๐ข๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ.
Isang malaking katanungan ngayon ang lumutang sa gitna ng imbestigasyon sa madugong pamamaril sa Barangay Irawan matapos aminin ni Police Regional Office (PRO) Mimaropa chief Brig. Gen. Jovencio Badua Jr. na hindi tiyak ang pagkakakilanlan sa isa sa mga nasawi na si CO1 Jerson Talon bago naganap ang engkwentro.
Sa isang panayam sa Radyo Pilipinas Palawan noong Abril 6, inihayag ni Badua na ang pagkakadawit ni Talon sa insidente ay nagmula lamang sa mabilisang pagtuturo ni PCpl Renato Bendaรฑa, isa sa mga pulis na unang nakasagupa ng mga tao sa isang lamayan sa Zone 13 noong Biyernes Santo.
Ayon kay Badua, nang tanungin niya si Bendaรฑa kung sigurado itong si Talon ang isa sa mga nambugbog sa kanila, ang naging sagot ng pulis ay: โSir, kahawig.โ
โSusmaryosep, kako, kahawig lang pala eh. Hindi pala kayo sure… sana iba yong approach niyo doon. Sana kinausap na lang yong family, kinausap ng maayos,โ pahayag ni Badua sa panayam, kung saan hayagan niyang pinuna ang naging aksyon ng kanyang mga tauhan.
Binigyang-diin din ng hepe na wala sa anumang drugs list si Talon, taliwas sa mga espekulasyong kumakalat sa publiko. Aniya, lumalabas sa paunang pagsusuri na posibleng kaso ito ng mistaken identity na nauwi sa trahedya dahil sa kawalan ng pagtitimpi at propesyonalismo.
Batay sa sequence ng insidente, rumesponde sina PSSg Ryan Cris Cabaรฑa at PSSg Jayson Fernandez matapos kuyugin sina Bendaรฑa at PSSg Jonah Balangan sa isang alitan sa lamayan ni Mr. Rivera. Dahil sa pagtuturo na โkahawigโ ni Talon ang suspek, nagtungo ang mga pulis, na pawang naka-sibilyan at ang ilan ay umanoโy nakainom, sa tahanan nito na humantong sa palitan ng putok.
Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa insidente: sina Cabaรฑa, Fernandez, at ang biktima ng hinihinalang maling pagtuturo na si Talon.
Sa gitna ng mga lapses sa protocol na kinabibilangan ng hindi pagsuot ng uniporme at hindi paggamit ng marked police vehicle habang nasa full alert status, tiniyak ni Badua na magpapatuloy ang malalimang imbestigasyon.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng joint probe ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy ang administratibo at kriminal na pananagutan ng mga nasabing opisyal.














