Isinagawa ang pagpupulong kamakailan sa Coron, Palawan, kung saan nagtagpo ang mga kinatawan mula sa Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) District Management Division (DMD)- Calamian at Forest Foundation Philippines (FFP).
Layunin nito na talakayin ang Phase 2 ng proyektong “Increasing Capacity of Calamianes Watershed towards Resilience.”
Sa pagpupulong, pinag-usapan ang mga hakbang upang maisakatuparan ang proyekto, tulad ng pagbuo ng functional watershed committee, pagsusulong ng pagprotekta sa biodiversity, at pagsunod sa mga batas pangkalikasan.
Nakiisa rin sa pagpupulong ang iba’t ibang sektor mula sa gobyerno at pribadong sektor, kasama ang mga representante mula sa PATH Foundation Philippines Inc. (PFPI), Culion Foundation Inc. (CFI), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Coast Guard (PCG), DENR-CENRO, DEPEd, at Palawan State University – Coron Campus.
Ang nasabing proyekto ay nagsimula noong 2022 sa San Miguel, Linapacan, Palawan, at patuloy na naglalayong mapanatili ang kalidad ng watershed ng Calamianes at ang ecosystem nito para sa kinabukasan.
Discussion about this post