Hindi pinaligtas ng mga kawatan ang isang paaralang pang-elementarya sa Brgy. Dumarao, Roxas, Palawan matapos na limasin ang mga kagamitan sa loob ng silid-aralan.
Sa spot report buhat sa Roxas Municipal Police Station (MPS), nakasaad na posibleng naganap ang insidente sa pagitan ng 1AM hanggang 5AM ngayong araw, Abril 29, 2021 na ang ninakawang paaralan ay ang Trinidad Cario Elementary School sa Sitio Linapawan, Brgy. Dumarao sa nasabing munisipyo.
Napag-alamang, dakong 2pm kanina nang lumapit sa pulisya ang gurong si Rosie Paigma upang i-report ang insidenteng naganap sa kanilang eskwelahan.
Lumabas sa isinagawang imbestigasyon na bandang 9AM kanina nang iulat umano sa biktima ng kanyang co-teacher na nilooban ang kanyang silid-aralan sa pamamagitan ng pagsira ng doorknob at kandado.
Narito ang mga natangay na mga kagamitan na ibinigay ng DepEd sa naturang paaralan na umaabot sa P172,333 ang kabuuang halaga:
*2 Portable Gasoline Generator (P7,900 & P13,000)
*1 headphone (P1,200)
*1 audio mixer (P6,495)
*1 AVR 500 watts (P1,500)
*7 HP brand gray tablet (P20,000)
*24 pcs. Wilkins mineral water (P288)
*1 drum container (P1,500)
*30 pcs. Safeguards (P450)
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin kilala ang suspek o mga suspek ngunit nagpapatuloy ang follow-up operation ng pulisya upang sila ay madakip.
Discussion about this post