ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
Home Regional News Provincial News

Antigen test result, magiging requirement na sa lahat ng mga papasok sa Aborlan

Diana Ross Medrina Cetenta by Diana Ross Medrina Cetenta
April 29, 2021
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Antigen test result, magiging requirement na sa lahat ng mga papasok sa Aborlan
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Walang lockdown kundi mas mahigpit na panuntunan ang ipatutupad sa Bayan ng Aborlan simula bukas, kagaya ng pagre-require ng antigen test result sa mga papasok doon.

“Hindi talaga lockdown, basta ang pinaka-target lang namin ‘yong paglabas-labas ng mga tao rito sa amin patungo sa Puerto [Princesa City ay ma-regulate namin]. Ang pinaka-basis namin doon, unti-unti na kasing pumapasok ang COVID-19 sa amin sa Aborlan; may mga kaso na kami [ng COVID-19]” pahayag ni Aborlan Municipal Health Officer (MHO) Fidel Vasquez Salazar sa phone interview ng Palawan Daily News team ngayong araw, Abril 29, 2021.

RelatedPosts

Doulos Hope, nakatakdang bumalik muli sa lungsud sa agosto

Narra Clinches Baragatan 25U Basketball Title, ends Quezon’s reign

Mga mag-aaral ng Calupisan Daycare Center, nabigyan ng tulong-edukasyon ng Eagles Club

Ipinaliwanag ni Dr. Salazar na bagamat sa mga naunang panayam ng local media ay nabanggit niyang “posible” silang magpatupad ng municipal-wide lockdown ngunit napagkayarian umano nila ngayong araw na pagsumitihin na lamang ng antigen result ang lahat ng mga papasok na manggagaling sa mga munisipyo at Lungsod ng Puerto Princesa.

“Possible lang naman ‘yong unang balita [na sinabi namin], pero kanina, nag-final decision na kami na [maglabas na lamang ng Supplemental] Guidelines. ‘Yong ginawa namin na prescribing guidelines para roon sa inter at intrazonal activities sa…loob ng munisipyo para malimitahan namin ‘yong pagkalat nga [ng COVID-19],” aniya.

Ayon pa sa MHO ng Aborlan, sa kasalukuyan ay nakapagtala sila ng tatlong bagong kaso ng COVID-19 na galing sa Puerto Princesa, kaya umakyat na sa lima ang active cases ng munisipyo habang sa kabuuan naman ay halos 20 na ang kanilang naitala mula Enero hanggang ngayon.

“Hindi ka pwedeng papasukin ng [anumang] barangay [dito] kung wala kang [hawak na] antigen test result,” dagdag pa ni Dr. Salazar bilang bahagi aniya ng paghihigpit.

Nilinaw naman ng opisyal na mananatiling walang problema sa galaw ng mga residente ng bawat barangay bagamat tinuran niyang “activated ang aming mga barangay checkpoint.”

“Kasi kilala naman nila ang mga nasasakupan nila. Bibigyan ka ng oras ng pagpunta na lumabas ka ng barangay,” ani Dr. Salazar.

Wala naman umano silang ilalabas na passes dahil bawal pumunta ng ibang munisipyo o sa siyudad ang kanilang mga mamamayan hangga’t maaari.

“Pero kung lilipat ka lang ng ibang barangay, may logbook doon, ire-register niya kung anong oras ka lumabas–two hours lang maximum ibibigay sa’yo. Kapag lumagpas ka ng two hours,  malalaman kasi nila na lumabas kang [papuntang Puerto Princesa] City,” aniya. Ito ay sa kadahilanang ang Aborlan ang “gateway to the south” dahil matapos ang pinakahuling barangay ng siyudad ay sila ang unang munisipyo sa sur ng Palawan.

Kaugnay nito, ang sinuman umanong magpopositibo sa antigen test na galing sa ibang munisipyo o sa siyudad ay iho-hold muna ng LGU Aborlan upang makipag-ugnayan sa kung saan sila galing upang malaman kung sa Aborlan sila ia-isolate o sa kanilang lugar.

Kapag taga-Aborlan naman ay agad silang ia-isolate at magsasagawa ng RT-PCR upang kumpirmahin kung positibo sila sa COVID-19. Isasagawa na rin umano agad ang pagko-contact tracing sa kanilang mga close contact.

Mananatili umano sila sa quarantine facility sa loob ng 14 days at kapag may sintomas pa ay dagdagan ito ng pito pang araw o sa kabuuang 21 days. Kapag gumaling ay bibigyan ng sertipikasyon at wala na rin aniyang home quarantine.

MGA DADAAN PAPUNTANG SUR

Ang mga patungo naman umano ng southern Palawan ay mananatili pa ring makararaan.

Magse-set up aniya sila ng checkpoint sa northernmost tip ng kanilang bayan sa Brgy. Isaub at sa southern part naman ay sa Brgy. Plaridel upang i-check ang lahat ng mga dumaraang mga sasakyan kung saan sila pupunta.

Kapag sasabihin umano ng mga pasahero na dadaan lamang sila papuntang Narra ay diretso lamang dapat ang kanilang gagawin. Kapag sasabihin naman aniya nilang pupunta sila sa palengke o Paleco sa Aborlan upang magbayad ay titimbrihan ang bantay doon kung mayroong dalang antigen test result ang mga bababang galing ibang lugar.

PAGDATING SA APOR

Hinihikayat din ng LGU ang mga APOR na residente ng Aborlan na kasalukuyang nagtatrabaho sa lungsod na huwag munang umuwi.

“Yong mga APOR na nagtatrabaho sa Puerto [Princesa], idi-discourage namin, as much as possible, na ‘wag silang mag-uwian [rito] o mag-advise [na lamang] sila na mag-work-from-home,” ani Dr. Salazar.

Kapag umuwi naman umano ay hahanapin din sila ng antigen test result at kung wala ay papupunta muna sila sa RHU upang kumuha nito bago pauuwiin sa kanilang barangay.

“Nakababahala na [kasi] masyado. Baka mamaya, maging pareho na kami ng rate ng kaso ng outside na [mga munisipyo at siyudad] kapag hindi kami nagbantay.” komento pa ng doktor.

SA MGA UUWING LSI

Nananatili rin umanong pupwedeng umuwi sa Bayan ng Aborlan ang kanilang mga LSI na manggagaling sa ibang lalawigan o kahit sa NCR plus. Kailangan lamang nilang sumailalim sa 7-day mandatory quarantine sa quarantine facility at kapag nagnegatibo sa antigen test ay karagdagang pitong araw uli na home quarantine.

Nakiusap na lamang ang opisyal sa publiko na makinig sa kung anuman ang mga ipatutupad sa kanilang mga checkpoint. Dapat aniyang maunawaan ng publiko na ang paghihigpit ay para rin sa kabutihan nila at upang hindi tuluyang lomobo ang COVID-19 transmission sa Aborlan.

Tags: Aborlan PalawanAntigen test
Share55Tweet34
Previous Post

32 kabahayan, natupok ng apoy sa Brgy. Rio Tuba, Bataraza

Next Post

Isang paaralan sa Roxas, nilooban; halos P200k halaga ng mga kagamitan, natangay

Diana Ross Medrina Cetenta

Diana Ross Medrina Cetenta

Related Posts

Doulos Hope, nakatakdang bumalik muli sa lungsud sa agosto
Provincial News

Doulos Hope, nakatakdang bumalik muli sa lungsud sa agosto

July 3, 2025
Bataraza National Highschool Wins 2025 Henyong Palaweño Quiz Bee
Provincial News

Narra Clinches Baragatan 25U Basketball Title, ends Quezon’s reign

June 19, 2025
Mga mag-aaral ng Calupisan Daycare Center, nabigyan ng tulong-edukasyon ng Eagles Club
Provincial News

Mga mag-aaral ng Calupisan Daycare Center, nabigyan ng tulong-edukasyon ng Eagles Club

June 16, 2025
LPA sa PH, maaring maging unang bagyo ng taon ayon sa pagasa
Provincial News

Malaysia-bound kumpit sinks off Balabac; PCG probes human trafficking

June 10, 2025
Mahigit 300 volunteers, nakiisa sa coastal at underwater clean-up sa el nido
Provincial News

Palawan indigenous land under threat

June 5, 2025
Vm- elect gastanes, binanatan ang liga ng mga barangay: ” Mag move-on na tayo”
Provincial News

Mga residente ng sitio marihangin, 49 araw nang nagbabantay kontra armadong guwardiya

May 26, 2025
Next Post
Isang paaralan sa Roxas, nilooban; halos P200k halaga ng mga kagamitan, natangay

Isang paaralan sa Roxas, nilooban; halos P200k halaga ng mga kagamitan, natangay

82-taong gulang na COVID probable, yumao kaninang umaga

82-taong gulang na COVID probable, yumao kaninang umaga

Discussion about this post

Latest News

Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan

The Coffins are waiting

July 3, 2025
Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan

BM Anton Alvarez: Serbisyo, hindi bagong batas ang kailangan ng mamamayang Palawenyo

July 3, 2025
Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan

Cong. Acosta, tututukan ang problemang pangkalusugan at bahang umaapekto sa third district ng Palawan

July 3, 2025
Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan

Panukalang P50,000 entry-level salary para sa mga guro, muling isiumite sa kongreso

July 3, 2025
Kapitan ng Bangka, arestado sa Coron, Palawan

Fact check: Jovelyn Galleno found alive at a resort in Rizal, Palawan

July 3, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    14999 shares
    Share 6000 Tweet 3750
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11210 shares
    Share 4484 Tweet 2803
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10264 shares
    Share 4106 Tweet 2566
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9646 shares
    Share 3858 Tweet 2411
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    8970 shares
    Share 3588 Tweet 2243
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing