Sa katatapos lamang na Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na opisyal ng probinsya noong ika-30 ng Hunyo na ginanap sa Citystate Asturias Hotel, ibinahagi ni 3rd District Cong. Gil Acosta Jr., na number 1 priority ang pagkakaroon ng Western Philippines Medical Center sa lalawigan ng Palawan. Nakausap at makakasama niya sa pagsulong sina 1st District Congresswoman Mommy Rose Salvame, 2nd District Cong. Jose Chaves Alvarez, at ang partidong Pinoy Workers Partylist.
“Merong dise-sais (16) na district hospital sa bawat munisipyo ng lalawigan ng Palawan pero, walang pupuntahan. Meron, siguro provincial hospital but, masyado ng maliit so it’s time na hindi lamang makinabang ang Puerto Princesa bagkus kasama ‘yong mga munisipyo,” saad ni Cong. Acosta Jr. sa panayam sa media.
Bukod dito, nasa 80% na umano ang proyekto dahil mayroon ng lupa at gusali, tanging pangpasuweldo para sa mga doktor at nurses na lamang ang kinakailangan ng batas.
“Now, more than ever kailangan magkaroon ng outlet, ah maganda naman ang ginagawa ng city, ang problema lang hindi lang magka-match between the national and the city roads, kailangan talaga may outfall, at saan ang outfall, maraming outfall dito sa Puerto Princesa iyong ford for example dalawa ang pupwede, palabas ng Tiniguiban sa may new market, tsaka papunta ng Typocco village.”
Aniya, “ang ganda pakinggan na highly urbanized city pero may baha, nakakahiya so dapat ayusin natin dahil nakakahiya ibang munisipyo ng lalawigan ng Palawan.”
Handa rin daw siyang makiisa sa pamahalaang panlungsod patungkol sa usaping pagbaha. Dagdag pa niya, ngayon ay panahon nang pagkakaisa dahil walang mangyayari sa lungsod kung paiiralin ang politika.