Bibisita muli ang MV Doulos Hope Floating Bookstore sa Puerto Princesa City mula ika -31 ng Hunyo hanggang ika – 18 ng Agosto ngayong taon, ito ay ayon sa kanilang website na GBA Ships.
Matatandaang bumisita noong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre nakaraang taon ang barko na kung saan ay pinilahan at dinayo ng mga mamamayan ng lungsod partikular na ang mga mahihilig magbasa ng libro.
Sa ngayon ay nasa Victoria – Labuan, Malaysia ang nasabing floating bookstore.