Advertisement
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding
No Result
View All Result
Palawan Daily News
No Result
View All Result
ADVERTISEMENT
Home Provincial News

Kapitolyo ng Palawan, tiniyak na walang dapat ika-alarma sa pag-uwi ng 3 indibidwal mula Maynila

Chris Barrientos by Chris Barrientos
May 16, 2020
in Provincial News
Reading Time: 3 mins read
A A
0
Kapitolyo ng Palawan, tiniyak na walang dapat ika-alarma sa pag-uwi ng 3 indibidwal mula Maynila
Share on FacebookShare on Twitter
Print Friendly, PDF & Email

Kinumpirma ni Provincial Information Officer Winston Arzaga ang pag-uwi sa lungsod ni former Mayor Edward Hagedorn kasama ang dalawang iba pang indibidwal lulan ng private plane ni Governor Jose Chaves Alvarez at wala dapat ika-alarma ang publiko ukol dito.

Kasunod ito ng pagkalat ng Facebook post ng isang Facebook user kung saan nakasaad na dumating ang nasabing eroplano nitong nakaraang araw, May 14 lulan ang isang foreigner na nagpositibo umano sa isinagawang rapid test base sa ipinadala sa kanyang private message.

RelatedPosts

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

Sa panayam ng Palawan Daily News kay Arzaga, sinabi nitong totoong dumating ang eroplano ng gobernador kasama ang dating pulitiko at dalawang iba pa pero mali anya ang balitang isa sa mga ito ang positibo sa COVID-19 base sa isinagawang rapid test.

ADVERTISEMENT

“Si Mayor Hagedorn, matagal nang gustong umuwi ‘yan at nakiusap kay Gov. ‘yan na kung may available na flight ay isakay s’ya. Sila Trudeau naman, mag-asawang Trudeau ay cancer survivor ang asawa, foreigner [asawang lalaki] ‘yan pero matagal na dito sa Palawan, early 90’s, dito na ‘yan sa Palawan,” ani Arzaga sa panayam ng Palawan Daily.

Tiniyak din ng opisyal na sumunod ang lahat sa tamang proseso at ipinatutupad na security at health protocols bago pinayagang makabalik ng Puerto Princesa.

“Si Gov. ni-require silang sumulat kay Mayor Bayron kung pwede silang i-allow na makauwi at mayroon silang communication, si Mayor Hagedorn na naka-address kay Mayor Bayron na nagpapahintulot na makauwi sila. So, lahat ‘yan may mga requirement ‘yun maging sa Palawan. Nag undergo sila ng rapid testing at mandatory quarantine na ginawa naman nila,” paliwanag ni Arzaga.

Nilinaw din ng tagapagsalita ng pamahalaang panlalawigan na walang COVID-19 positive na pinayagang makauwi sa lungsod at binigyang-diin na kailanman ay hindi gagawin ng gobernador na ilagay sa panganib ang mga taga Palawan.

“Yung isa doon, si Marvi, ‘yun ang nag positive pero doon sa antibodies at hindi ibig sabihin na may COVID-19 s’ya. Hagip kasi lahat sa rapid testing kaya ang explanation ni Dra. Navarro [Provincial Health Officer], hindi nakakahawa iyon. In fact, sabi nga, explanation ng doktor ay pwede siyang mag donate ng plasma doon dahil malakas ang antibody n’ya,” giit ng opisyal.

Kinumpirma din ni Arzaga na may mga sumundong opisyal ng provincial government pero discretion na anya ng mga ito kung sila ay magho-home quarantine din.

“Si Vice Gov. [Dennis Socrates] sumundo at discretion na ni Vice Gov. ‘yun kung mag home quarantine s’ya o hindi na,” dagdag ni Arzaga.

Muli ay nagpa-alaala si Arzaga sa lahat na iwasan ang pagpapakalat ng mali at hindi berepikadong impormasyon lalo na sa pamamagitan ng social media na maaari anyang maghatid ng pangamba sa publiko.

Sa balitang ito, pag-aaralan anya ng legal department ng pamahalaang panlalawigan ang paghahain ng legal actions sa taong nag-post sa Facebook kahit patanong pa ang pagkaka-post nito.

“They have to remember na ang mga leaders po natin dito sa Palawan is very prudent sa mga bagay na ‘yan. Si Governor Alvarez will not allow na ang kanyang eroplano ay magsakay ng COVID positive na mga tao, hindi n’ya gagawin ‘yun. Masisira ang maraming araw, maraming gabi na ginugol para maging safe ang Palawan and of course, hindi n’ya gagawin ‘yun,” sabi ni Arzaga.

“Kung magtatanong s’ya, she should ask the proper authorities, hindi pala s’ya sigurado doon sa subject matter, bakit mo itatanong sa social media, that’s not the proper venue to ask questions. Kasi pag sa social media na ganyan, mayroon kang responsibility sa iyong mga mambabasa. Like this, nagkaroon ng alarma sa publiko. It may be done [legal actions] at titingnan po natin kung anong gagawing pag-aaral ng ating legal officer. That should be a very good subject of the study,” pagtatapos ni Information Officer Arzaga.

Sa panig naman ng city government, kinumpirma din ni City Administrator, Atty. Arnel Pedrosa ang balitang pag-uwi ni Hagedorn sa lungsod kasama ang dalawang iba pa pero lahat anya ay dumaan sa tamang proseso.

“Oo, meron naman at dumaan naman sa proseso ‘yan at may mga clearance sila,” kumpirmasyon ni Pedrosa sa panayam ng Palawan Daily.

Samantala, sa panig naman ni former Mayor Edward Hagedorn, sinabi nito na bago pa man sila sumakay sa eroplano sa Maynila ay alam na nila ang kondisyon ng bawat isa na makakasama nila sa eroplano pauwi ng lungsod.

“Actually, hindi kasi nila naintindihan ‘yung pinag-uusapan doon eh. ‘Yun kasi [rapid test] ay para sa anti bodies, ibig sabihin, nagkaroon s’ya ng virus pero malakas ang kanyang anti bodies kaya tinalo ang virus. Kaya bale, normal na s’ya at hindi na s’ya makaka-infect dahil tinalo na ng antibodies n’ya ang virus,” paliwanag ni Hagedorn sa panayam ng Palawan Daily News.

Dagdag pa ng dating alkalde na nakakuha rin s’ya ng clearance mula sa city government para makauwi sa Puerto Princesa at kasalukuyang nananatili lamang sa kanyang bahay para sa home quarantine.

“Oo, nakakuha ako kasi nga normal lang naman ‘yun at lalo na may kasama ka na sinasabing positive pero sa anti bodies positive at hindi sa COVID kaya para walang masabi, nagpa-quarantine na kami pare-pareho at nandito lang ako sa bahay,” dagdag ni Hagedorn.

Tags: 3 indibidwal mula MaynilaPalawan Provincial Governmentpio
Share198Tweet124
ADVERTISEMENT
Previous Post

Na-trap na salt water crocodile sa isang fishpond sa Balabac, iniligtas

Next Post

P2-M reward for informant who can aid in capturing NPA leaders in Palawan

Chris Barrientos

Chris Barrientos

Related Posts

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon
Provincial News

Elderly couple in El Nido pleads for building materials after losing home to Typhoon

November 17, 2025
DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan
Provincial News

DTI enforces prize freeze in Typhoon affected areas including Palawan

November 17, 2025
CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina
Environment

CBNC, patuloy na pinagtitibay ang suporta sa responsableng pagmimina

November 3, 2025
In Palawan, food security and peace are treated as the same battle
Provincial News

In Palawan, food security and peace are treated as the same battle

September 24, 2025
Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores
Environment

Coastal vulnerabilities in West Philippines Sea shores

September 22, 2025
Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025
Provincial News

Roxas LGU eyes opening their destinations to tourists by October 2025

September 21, 2025
Next Post
P2-M reward for informant who can aid in capturing NPA leaders in Palawan

P2-M reward for informant who can aid in capturing NPA leaders in Palawan

ComWescom, binisita ang pinakabagong batalyong naitalaga sa Palawan

ComWescom, binisita ang pinakabagong batalyong naitalaga sa Palawan

Discussion about this post

Latest News

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

CBNC honors Indigenous heritage with weeklong celebration in Bataraza

November 26, 2025
NOTICE OF PUBLIC HEARING

NOTICE OF PUBLIC HEARING

November 26, 2025
PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

PPCWD eyes P2.5B man-made lake for water impounding

November 21, 2025
Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

Guardian of the West Philippine Sea: The Living Treasure of Pag-asa Island

November 20, 2025
Strip the money and see who still files candidacy

Kids in debt before birth

November 20, 2025

POPULAR NEWS

  • Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    Igorot hunks plant tree seedlings in Yamang Bukid Farm

    15190 shares
    Share 6076 Tweet 3798
  • ‘Rizal is still relevant in a modern society’

    11591 shares
    Share 4636 Tweet 2898
  • Aktres na si Maja Salvador, sa Puerto Princesa inabutan ng quarantine

    10293 shares
    Share 4117 Tweet 2573
  • Everything you need to know about ukay-ukay and its illegality

    9713 shares
    Share 3885 Tweet 2428
  • Palawan ranks 2nd for 2020 Hottest Destination in the world

    9712 shares
    Share 3884 Tweet 2428
ADVERTISEMENT
Palawan Daily News

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing

Navigate Site

  • Home
  • Latest News
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN

Follow Us

No Result
View All Result
  • Home
  • Latest News
    • City
    • Provincial
    • National
    • Regional
  • Advertise
  • Online Radio
  • Opinion
  • Legal Section
  • Lifestyle
  • About the PDN
    • Contact Us
    • Ownership and Funding

© 2025 All Rights Reserved. Alpha Eight Publishing