Aksidente umanong nabaril ang isang lalaki ng dalawang lalaking nag-iinuman sa Barangay Pulot Center, Sofronio Espanola, ganap na 4:20 ng hapon ika- 4 ng Hunyo.
Kinilala ang biktima na si Randy Dela Cruz Yanong, 42 anyos, at residente sa Barangay Pulot Interior.
Habang ang mga suspek ang kinilalang sina Ronald Bellorente Caabay, 23 anyos, at Gerardo Baybayan Rebugio, 51 anyos, tricycle driver na pawang residente sa Barangay Pulot Center sa bayan din ng Sofronio Espanola.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sofronio Española Municipal Police Station, kasama ng biktima ang partner nito na bumisita sa boarding house ng kanilang kaanak. Habang nag-iinuman naman ang dalawang suspek na malapit sa compound na kinaroroonan ng biktima, nagpaputok ng baril si Ronald Caabay na pag-aari naman ni Gerardo Rebugio.
Dalawang beses nagpaputok ng baril ang suspek at aksidente umano tinamaan ang biktima.
Nagtamo ng tama ang biktima sa kaliwang dibdib na agad isinugod sa Sofronio Espanola District Hospital, at kalaunan nilipat sa pribadong pagamutan sa Puerto Princesa dahil nasa malubha ang tinamo nitong sugat.
Agad nag-imbestiga ang PNP sa pinangyarihang lugar at nakumpiska kay Rebugio ang (1) piece inside holster, (1) unfired ammunition, (1) unit Caliber 38 (Smith at Wesson) firearm at (5) fired cartridges ng Cal 38.
Naharap sa paglabag ang dalawang suspek sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries at Violation ng RA No. 10591 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines.
Discussion about this post