Masuwerteng nakaligtas ang lalaking biktima ng pamamaril sa Purok Bagong Silang, Barangay Calawag, Taytay, Palawan nitong December 11, 2021.
Kinilala ang biktima na si Abelino Gamarcha Gagante, 47 anyos, habang ang suspek kinilala na si Eduardo Fernandez Gagante a.k.a. Angek, tiyuhin ng biktima at parehong residente sa nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Municipal Police Station, ganap na 6:30 ng umaga ng maganap ang pamamaril.
Bago ang insidente nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at suspek noong gabi bago ang pamamaril at hindi nagkaunawaan ang dalawa, kaya kinaumagahan habang nasa likod ng bahay ang biktima at hawak ang manok ay biglang dumating ang suspek at binaril ng tatlong beses ang biktima na agad naman nakakubli. Tinangka pang lapitan ng suspek ang biktima upang barilin ito ngunit pumalya ang baril.
Agad naman na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.
Samantala, tatlong cartridges na hindi pa tukoy na caliber at isang deformed slug ang nakita sa lugar.
Discussion about this post