Umabot sa mahigit na P120,517,813.75 ang halaga ng total cost of damages sa naranasang Low Pressure Area (LPA) noong unang linggo ng Enero 2023, sa bahaging sur ng lalawigan ng Palawan batay sa Damage Assessment and Needs Analysis (DANA) ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Matatandaan na apat na munisipyo ang lubhang naapektuhan ng Low Pressure Area ang mga bayan ng Brooke’s Point, Sofronio Española, Narra at Rizal na kung saan nasa 21,327 mga pamilya na binubuo ng 104, 601 na mga indibidwal mula sa mga nabanggit na lugar.
Batay naman sa pagtaya sa naaapektuhang imprastraktura umabot ito sa halagang P29,981,260.00 total cost of damages, ang P28,556,000.00 ay naitala mula sa bayan ng Brooke’s Point, at P1,425,260.00 ay mula sa Sofronio Española.
Sa naging pagtaya sa naapektuhang kabuhayan o livelihood ng mga residente naitala ang pinsala sa mga bayan ng Brooke’s Point, Sofronio Española, Narra, Quezon, at Aborlan na may total agricultural at fisheries damaged na nagkakahalaga ng P85,449,593.75.
Kaugnay naman sa nakalap na datos mula sa Department of Education (DepEd) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), labindalawang mga silid aralan ang naitalang napinsala sa munisipyo ng Brooke’s Point at Sofronio Española na may halagang at maaari pang madagdagan dahil patuloy pa rin ang assessement ng mga kinauukulang pang-edukasyon.
Bilang karagdagang datos na nakalap, kabilang sa lubhang naapektuhan ay mga kalsada at tulay bahagi ng Brooke’s Point na kung saan nasira ang Tamlang Bridge, Saraza Bridge, Cabinbin Hanging Bridge, Mainit Spillway, Ipilan Highway, Tigaplan Bridge, Tubtub Highway, So. Rizal Road in Mambalot, So. Magugurangan in Salogon, So. Malulunan sa Barongbarong, at naisagawa naman ang pagsaayos rito at maaari nang daanan simula noong ika-8 ng Enero 2023.
Mabilis naming naisaayos ang naapektuhan ng pagbaha sa Pulot Center National Highway dahil na rin sa pagtutulungan ng mga residente at mga taga-lokal na pamahalaan doon.
Nakapagtala naman ng Salongsong National highway ng bayan ng Rizal habang naitala ang pagtaas ng tubig sa Lamikan Bridge, Bgy. Calumpang (National Bridge) sa So. Talibu, Quinlogan sa bayan ng Quezon.
Kasalukuyan nang nabibigyan ng sulosyon ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat lugar partikular ang pangangailangan sa suplay ng kuryente, tubig at linya ng komunikasyon.
Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan at mga Local Government Units patuloy ang rehabilitation efforts at debris clearing na isinasagawa ng LGUs at MDRRMOs at inaasahang mapapanumbalik na ang normal na kalagayan ng bawat isang residente sa mga susunod na linggo.
Discussion about this post