Negatibo sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang lahat ng Locally Stranded Individuals o LSIs na umuwi noong July 7 lulan ng MV DA BFAR.
Ayon kay Provincial Incident Management Team Commander, Cruzalde Ablaña, sa 44 na LSIs na umuwi dumating sa pantalan ng lungsod, 24 dito ang mga residente ng iba’t-ibang munisipyo habang ang 20 naman ay taga-Puerto Princesa.
Sinabi pa ni Ablaña na ito ang unang batch ng mga nakauwi sa Palawan sa pamamagitan ng Hatid-Tulong Program ng Office of the President.
Matapos matingnan sa pantalan, agad dinala ang 24 na LSIs sa quarantine facility ng lalawigan para makapagpahinga bago umuwi sa kanilang mga munisipyo habang ang iba naman ay sa pasilidad ng lungsod diniretso.
Discussion about this post