Upang suportahan ang mga Palaweño na apektado ng krisis at kalamidad, higit 1,000 residente ng Palawan ang nakatanggap ng pinansyal na tulong mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa ilalim ng programa ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula Enero hanggang Hunyo ng 2024.
Ayon sa datos ng PSWDO, 946 na indibidwal ang nabigyan ng tulong medikal, 51 sa tulong sa pagpapalibing, 26 para sa transportasyon, at 52 para sa iba pang pangangailangan tulad ng mga biktima ng sunog at kalamidad.
Pinangunahan ni Gob. Dennis M. Socrates ang inisyatibong ito upang tiyaking matutulungan ang mga nangangailangan sa lalawigan. Dagdag pa ni PSWDO Officer Abigail D. Ablaña, ang Crisis Intervention Unit (CIU) ng tanggapan ay patuloy na nagbibigay ng mga serbisyo tulad ng psycho-social support at referrals.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa PSWDO sa kanilang opisina o sa numerong 0998-793-2468.
Discussion about this post