Agad na natulungan ang isang mangingisda ng AFP Western Command (WESCOM), na nagsasagawa ng isang pangkaraniwang misyong maritime at pagpapalaganap ng soberanya sa Kanlurang dagat ng Pilipinas nang tumanggap ito ng tawag ng tulong mula sa nasabing bangkang pangisda noong araw ng linggo, Setyembre 17.
Gamit ang BRP Antonio Luna (FF151), ay matagumpay na nailigtas at nabigyang tulong ang isang bangkang pangisda ng Pilipino, ang FFB Camano 1, kung saan ang isa sa mga mangingisda at miyembro ng tripulasyon nito ay nagkaruon ng malubhang sugat sa binti dulot ng sariling elise ng bangka.
Agad na binago ng FF151 ang kanilang ruta patungo sa pinakabagong lokasyon ng FFB Camano 1 at nagpapakawala ng kanilang rigid hull inflatable boat (RHIB) na may rescue team sa board upang dalhin ang 46 anyos na sugatang mangingisda at tripulante, si Ginoong Sonny Agting, at dinala sa Philippine Navy (PN) vessel para sa tamang pangangalaga medikal.
“Sa kabila ng layo namin sa nasabing bangkang humihingi ng tulong, mabilis ang aming naging aksyon upang tugonan at mabigyan ng paunang lunas ang nasugatang pilipinong mangingsda,” saad ni Kapitan Clyde Domingo PN(GSC) ng FF151.
Matapos ang ilang oras ng pagtitiis ng sakit at paghihirap, nailipat na sa loob ng FF151 ang mangingisda na agad namang binigyan ng paunang lunas ng AFP.
Discussion about this post