Para kay Ed Longno, isang OFW, hindi raw muna dapat isagawa ang plebisito kaugnay ng paghahati ng Palawan sa tatlong probinsiya. Umiiral pa kasi ang pandemya ng COVID-19 at marami ang hindi makauwi para bumoto. Wala din daw probisyon para sa abesentee voting.
“Dapat meron lahat, lahat ng mga registered voter ay dapat makaboto kasi rights nila yun eh. Pero kung hindi naman nila magagawa yun edi sana i-cancel na lang muna nila, dahil may COVID nga eh kaya hindi makauwi yung iba so cancel nalang muna nila yun (plebiscite).”
Ayon sa Palawan Provincial COMELEC, hindi makakaboto ang isang botante na wala sa Palawan sa darating na Plebisito, March 13, 2021.
“Kung nais po niyang bumoto at active siya doon at kasama siya doon sa eligible voters ay dapat po talaga siyang umuwi dito sa atin. Kasi kailangan niyang bumuto ng personal so yun lang po ang paraan para makapagboto po siya.” Ayon kay Jomel Ordas, spokesperson ng Provincial Comelec
Dagdag pa ni Ordas, tanging mga nakarehistro lamang noong taong 2019 ang makakalahok sa darating na Plebisito.
“Unang una kailangan po muna alamin ng concerned na kababayan (Palaweño) natin, kung sila ba ay kasama doon sa listahan ng mga botante sa active or qualified at eligible na botante para sa Palawan Plebiscite. So, sino-sino ba itong mga eligible na botante? Sila po yung mga nakarehistro, active sila nung panahon ng October 21, 2019 Election Registration Board Hearing natin, yan din po yung mga botante na dapat po sana boboto para sa May 11, 2020.”
Discussion about this post