Inaasahang magbabalik-trabaho na ang 14 personnel ng Palawan Provincial Jail na nagpositibo sa COVID-19 matapos na makumpleto ng mga ito ang 10 araw na quarantine sa pasilidad ng probinsya at 7-day home quarantine.
Ayon kay Provincial Jail Warden Col. Gabriel Lopez, posibleng sa Lunes, May 17, 2021, ay makakabalik na ang mga ito sa kanilang mga trabaho maliban sa isang empleyado na nahuling ipinasok sa quarantine facility.
Samantala, inaasahan naman na ngayong Sabado o Linggo ay lalabas na ang resulta ng isinagawang RT-PCR test sa 93 Persons Deprived of Liberty (PDL) noong May 13, 2021.
“Pagka-nalaman kung mag-negative o mag- positive, ihihiwalay natin ang magne-negative. Ang mag-positive maiiwan [isolation facility] at ang mag-negative ilalagay natin sa ibang area.” – Jail Warden Col. Gabriel Lopez.
Sa ngayon ay extended din umano ang umiiral na hard lockdown sa Piitang Panlalawigan hanggang sa maging maayos na at wala nang maitalang positibo sa confirmatory test sa kanilang mga PDL.
via Honey Ragot/Palawan Daily News
Discussion about this post