Arestado ng awtoridad ang most wanted at Rank no. 1 ng Municipal Level sa Brgy. Poblacion 1, Coron, Palawan ngayong araw, Oktubre 1, 2021.
Kinilala ang suspek na si Ruel Servando Francisco, 48 anyos, magsasaka, at residente ng Brgy. Decalachao, Coron, Palawan.
Ayon sa Coron Municipal Police Station, inaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na pinirmahan ni Hon. Judge Arnel P. Cezar, Presiding Judge ng RTC Branch 163 Coron, Palawan na may petsang October 21, 2019, sa kasong R.A 8353 o Rape by Sexual Assault.
Kinakailangan naman makapagpyansa ang suspek sa halagang P120,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Kinasuhan din si Francisco ng paglabag sa R.A 8353 (Rape by Carnal knowledge under Art. 266-A par.1) na inirekomenda ng korte na walang piyansa.
Samantala, ang suspek nasa kostudiya na ng PNP para sa kaukulang desposisyon.
Discussion about this post