Patunay sa kanilang disiplina at malasakit sa kalikasan, nagsagawa ng paglilinis ang delegasyon ng Romblon sa paligid ng Francis Ubay Memorial Elementary School, kung saan sila pansamantalang nanunuluyan habang ginaganap ang MIMAROPA Regional Athletic Association (MRAA) Meet 2025.
Sa larawang ibinahagi ng DepEd Romblon, makikita ang mga estudyanteng manlalaro na kusang-loob na naglinis ng kanilang kapaligiran, na siyang nagpakita ng kanilang pagiging responsable kahit nasa ibang lugar.
Kasama ang 314 delegado mula sa Romblon, ipinakita nila hindi lamang ang kanilang husay sa palakasan kundi pati na rin ang pagpapahalaga sa kalinisan—isang kaugaliang likas sa kanilang lalawigan, na kilala rin bilang “Marble Capital of the Philippines.”
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang pamunuan ng DepEd Puerto Princesa at ang lokal na pamahalaan sa ipinamalas na disiplina at magandang ehemplo ng delegasyon ng Romblon.














