Nanawagan si dating Konsehal Atty. Jimbo Maristela sa pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa na magtayo ng isang modernong sanitary landfill matapos niyang makita ang gabundok na basura sa kasalukuyang pasilidad sa Barangay Sta. Lourdes. Ayon sa kanya, bagaman natapos na ang Phase II ng proyekto, hindi ito sapat upang masolusyunan ang problema sa basura.
“Ang dating tinatambakan ng basura ay nasa ilalim ng ginawang sanitary landfill, pero ngayon, nagulat talaga tayo dahil saksakan na ng dami ang basura rito. Hindi ko inasahang ganito ang magiging sitwasyon ng ating sanitary landfill,” ani Maristela.
Bukod dito, pinuna niya ang malaking pondo mula sa environmental fee ng mga turista na hindi pa nagagamit.