Isang driver ng multicab ang nagpakita ng kabutihang-loob na hinangaan ng marami matapos tanggihan ang bayad ng isang estudyante.
Sa post ni Alphang Águilas, habang bumibiyahe ang multicab isang pasahero mula sa coliseum patungong Rizal Avenue. At ito ay isang estudyante at nag-abot ng kanyang pamasahe, ngunit laking gulat ng lahat nang sabihin ng driver na, “Wag na,” at hindi tinanggap ang bayad.
Ayon sa pasaherong nagbahagi ng kwento, natuwa siya sa ginawa ng driver at nakita rin ang tuwa sa mukha ng bata. Ayon sa kanya, tila madalas nang ginagawa ng driver ang ganitong kabutihang-loob, lalo na para sa mga batang mag-aaral.
Maraming netizens ang humanga sa driver at umaasa na dumami pa ang mga kagaya niya na handang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Discussion about this post