Ginawaran ng pagkilala ng Naval Forces West (Navforwest) ang team leader ng Force Reconnaissance Group ng 3rd Marine Brigade (3MBde) na patay sa naganap na sagupaan laban sa New People’s Army sa Bayan ng Brooke’s Point.
Isinagawa ang pagbibigay-pugay sa kawal na si Staff Sergeant Cesar R. Barlas sa Naval Station Apolinario Jalandoon ngayong araw, Sept. 5, 2020. Si SSgt. Barlas ay mula sa Brgy. Manalo, Lungsod ng Puerto Princesa.
“SSgt. Barlas offered the ultimate sacrifice and was Killed In Action (KIA) as he led his unit during an encounter with the armed members of the Bienvenido Vallever Command last September 3, 2020…. Said encounter resulted in five (5) Killed In Action on the enemy’s side,” ang bahagi ng post ng Navforwest sa kanilang social media page na “Naval Forces West PN” ngayong araw.
Matatandaang nagkasagupaan ang NPA at ang tropa ng MBLT-4 pasado 5 am sa Sitio Kubuyoan, Brgy. Mainit, Brooke’s Point kung saan patay sa engkwentro sina Bonifacio Magramo, Andrea “Naya” Rosal, Noel “Ka Celnon” Siasico at ang dalawang guerrilla fighters na sina Ka Rj (lalaki) at Ka Pandan/Lemon (babae).
Hanggang sa ngayon naman ay patuloy ang pagsasagawa ng clearing operations ng tropa ng pamahalaan sa encounter site at sa mga kanugnog na komunidad.
Discussion about this post