Nagsimula na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglatag ng oil spill boom sa paligid ng barkong Viet Hai Star na bahagyang lumubog sa karagatan malapit sa pantalan ng Balabac, Palawan, nitong Nobyembre 21.
Ayon sa ulat ng Philippince Coast Guard, pasado alas-siyete ng umaga kahapon, Nobyembre 23, ay tuloyan na ngang pinasok ng tubig ang buong barko dahil sa high tide sa Calandorang Bay kung saan nabahura ang Viet Hai Star.
Napansin din ng mga personnel ng Coast Guard ang mga langis na nagkalat sa paligid nito dahil na rin sa napaulat na may karga itong 29,000 litro ng automotive diesel oil (ADO).
Kaagad na naglatag ng oil spill boom ang Marine Environmental Protection Unit (MEPU) para kontrolin ang langis at hindi na kumalat pa.
Samantala, ang mga diver naman ng Coast Guard’s Special Operations Group (SOG) ay sinuri ang ilalim ng barko upang alamin ang kalagayan nito bago sumailalm sa mga susunod na hakbang ng PCG kaugnay sa insidente.
Discussion about this post