Nais ng Office of the Solicitor General (OSG) na ipawalang bisa ang Temporary Restraining Order (TRO) at muling ipaaresto si dating Gobernador Joel T. Reyes.
Base sa 62-pahina na kumento nina Senior State Solicitor Henry Gerald Ysaac Jr. at State Solicitor Dianne Margarette de los Reyes-Gonzales na umaapela sa mataas na hukuman na ipasawalang bisa ang TRO na inilabas ng Supreme Court noong March 23, 2022 sa dating Gobernador, dapat umano masusing pag-aralan ang kasong nito.
Nais din ng OSG na ibasura ng Supreme Court ang Petition for Review on Certiorari ni Reyes na ang ibig sabihin ay paghiling nito na ma-review ang desisyon ng mababang hukuman sa kaso.
Samantala, hinihiling ng OSG na dapat na umano maglabas ng Warrant of Arrest (WOA) ang Regional Trial Court kay Reyes upang kaharapin nito ang mga kasong isinampa laban dito.
Matatandaan, si Reyes ay nahaharap sa kasong pag patay umano sa batikang media at environmentalist na si Dr. Jerry Ortega at maanumalyang paggamit umano ng Malampaya Fund.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Palawan Daily News sa kampo ni former Governor Joel T. Reyes.
Discussion about this post